December 31, 5 hours before the play"Hello Quinn... it's a boy!!!"
"Oh my God, Dad!!! Congratulations!!!! Pakisabi kay Tita Lisa na congratulations. Kumusta si Tita and the baby?"
"They are both doing okay. Madali lang ang labor. Hindi kami pinahirapan ng bata. Hope you can visit us soon para naman makita mo ang kapatid mo."
"I will, dad. May tatapusin lang ako sa school. Pag napasa ko na tong semester na 'to, balik ako kaagad."
"By the way, what's this play I heard that you are in? Wala kang sinabi sa amin ha..."
"huh? Paano niyo po nalaman?? Si Anthony noh?? Naku, si Anthony talaga!!! Hindi ko sinabi kasi ayaw ko rin ma distorbo kayo. I know how busy you were para sa pagdating ng bata. Anyway, it's just something that I had to do for my grades, dad. No biggie. And I told you di ba. Babawi ako."
"I am so proud of you, Quinn. We are all proud of you. Tandaan mo yan. Sayang at hindi kami makapunta."
Tumulo ang luha ni Quinn. I have to let go of all this hurt. Kalimutan lahat ng sakit. Pagkakita ko sa kanya, I have to remind myself this, right here, is the reason I am doing all of these. To make my family proud. Tonight, this is for me and for my family.
"Okay lang, dad. Narinig ko lang kayo na sabihing proud kayo sa'kin, that's more than enough. I guess the upcoming year is starting great for all of us."
I hope so...
"Pero hindi diyan nagtatapos. Paparating ang surprise ko sa'yo. Alam mo naman, You are my one and only princess kaya hindi ko 'to palalagpasin."
Huh? Surprise? Ano kaya pinadala ni Dad? Hmmmm... Could it be a trip somewhere? or maybe a new car? ahihihi...
.............................................................................................................................................................
"Quinn, your dad called and told me may sinalihan ka palang play to make up for your grades. Now, is this the one where you failed?"
"Yes, Ma."
"That's good. Mabuti naman at nagtino ka na. Good luck. I'm expecting papasa ka this year."
"Yes, Ma. Pagbubutihan ko po."
Hindi masyadong warm ang mom ni Quinn. Masyadong strict and uptight. By the book, kumbaga. Typical woman who grew up surrounded by businessmen. Kaya tinatawag si Quinn na daddy's girl kasi mas close sa ama. But at least she called, right?
............................................................................................................................................................
BINABASA MO ANG
The New Year Kiss
RomanceKung ganda lang naman ang pag-uusapan, Quinn Buenavista has always been the prettiest of her peers -- katawang hindi kailanman tumataba, mukhang di na kailangan ng make-up para gumanda, a natural-born fashionista, at a true-blooded alta pa. Pero kun...