1. FIRST, YOU THINK THE WORST IS A BROKEN HEART
December 30
***Hi, This is Quinn. Sorry, can't get to the phone right now. Please leave a message.***
"Quinn? Si Alex to. Are you there? Buong araw kang hindi nagpaparamdam pagkatapos nung sa rehearsals nyo. Nag-aalala na kami ni Sophia. Daanan ka namin mamaya ha."
........................................................................................................................................................
"Mam Alex, Mam Sophia, pasensya na po ha. Bilin kasi ni Mam Quinn hindi raw siya pwedeng istorbohin. Masama yata ang pakiramdam.", tugon ni Manang nang pumasok ang dalawang babae sa pinto ng bahay.
"Manang, hindi ko yan tatanggapin. Buong araw na yang hindi nagpakita sa'min. Hindi ngtext, hindi tumawag.", Sophia stormed in. Walang nagawa si Manang. Hindi pa nga siya sumasagot, dumiretso na ang dalawang babae paakyat papuntang kwarto.
"Quinn, ano bang nangyari? Buong araw kang hindi nagtext! Mahirap ba pumindot ng cellphone?!!" salubong ni Sophia , pinagalitan pa si Quinn.
"Quinn, may problema ba?" mahinhin na tanong ni Alex, pilit pinapakalma ang sitwasyon. "Pagpasensyahan mo na si Sophia, nag-alala lang kasi kami kung na-pano kana. Hindi mo naman kasi ugali na hindi nagpaparamdam kaya kinabahan kami."
"Ahhh...wala.. kinakabahan lang ako para bukas..." pagsinungaling ni Quinn, ngunit kitang kita naman sa mga mata niya na matamlay, wala yatang tulog buong gabi. "Magdamag ko rin kasing binasa ulit yung script."
"Wag mo kaming lokohin, Quinn. Hindi yan uubra sa amin. Sa tinagal-tagal nating magkaibigan, alam namin kung may tinatago ka or wala." sumbat ni Sophia na parang hindi pa kumalma. "Pagkatapos ng rehearsals nyo kahapon, dun nagsimula eh. Walang text o tawag. Walang update sa IG o facebook. Anong nangyari sa rehearsals? Pinagalitan ka ba ni Sir Torres?"
"Quinn, sabihin mo na. Kausapin mo kami.", kumbinse ni Alex.
BINABASA MO ANG
The New Year Kiss
RomanceKung ganda lang naman ang pag-uusapan, Quinn Buenavista has always been the prettiest of her peers -- katawang hindi kailanman tumataba, mukhang di na kailangan ng make-up para gumanda, a natural-born fashionista, at a true-blooded alta pa. Pero kun...