15. I'm not Ready

358 4 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Should I go?" Quinn asked Sophia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Should I go?" Quinn asked Sophia. Isang oras nalang at magse-7pm na. "Nasan ba si Alex kasi, I can't think straight."

"Sorry dear, ako lang ang karamay mo ngayon. Nagpa-parttime-job na 'ata si Alex eh. So you'll be stuck with me, and ONLY me, from now on." sagot ni Sophia. As we all know, si Alex ang hindi mayaman sa kanilang tatlo kaya kailangang magtrabaho para makatulong.

"Yan nga pinoproblema ko eh." Quinn added. "Pag tayong dalawa, walang matinong nagagawa. Tingnan mo, nag Hawaii tayo, bumagsak ako ng English. Pag tayong dalawa talaga magkasama, walang magandang resulta."

"Eh para san pang tinawag mo akong partner in crime? Eto na, pinaninindigan ko na nga. Pero aminin mo, masaya ka." sagot ni Sophia. Tama nga naman. Sabi nga nila, if you don't do wild things while you're young, you have nothing to smile about when you're old.

"Alam mo kasi girl, you need me to have a balanced life. Si Alex ang nagpapatino sa'yo, pero hindi naman pwede puro ka nalang pagseseryoso. There are 2 types of friends. Number one, yung pag lasing ka, siya ang mag-aakay sa'yo and maglilinis ng sinukaan mo. Obviously, si Alex yan. Number two, yung pag lasing ka, mas lasing pa siya kaysa sa'yo. Pero sasamahan ka pa rin kahit alas dos pa yan ng umaga. So yes girl, ako ang pangalawa. You're welcome." Sophia ended, na may kasamang pa-wink2x pa.

"So ano nga sa tingin mo? Pupuntahan ko kaya?" Quinn asked again. "Kasi naman, baka iinsultuhin na naman ako nun. Wala nang ibang alam yun kundi manglait. Alam mo ba, siya lang ang hindi lumapit para mangumusta kanina. Grabe, robot yata yang si Greyson. Kahit malasakit man lang, hindi kayang maramdaman."

"Bigyan mo nalang ng chance. Baka may gustong sabihin sa'yo. Baka mag-sorry." sagot ni Sophia. "Ikaw naman, ang dali mo naman magtampo, hindi ka lang pinansin."

"Excuse meeee. Eh may tampo na naman talaga ako sa kanya matagal na. Let's not forget, he told me I was a spoiled brat in front of a lot of people."

"Pero eto, tanungin mo sarili mo, is he obliged ba na pansinin ka? Bakit, girlfriend ka ba nya? Not unless may pagnanasa ka na dyan at feel na feel mong entitled kang pansinin." Sophia teased, sabay tawa. "May nagbago ba? Hindi ka naman talaga pinapansin nyan noon pa, ba't parang asang-asa kang papansinin ka na ngayon? Ano, special treatment? hahaha."


The New Year KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon