January 1, 2 am.
Naranasan mo na bang magmahal? Ang saklap noh? Nakakalito. Yung tipong kung sino pa ang nakakapagpalungkot sa'yo, yun pa ang hinahanap ng puso mo. Kasi kahit gaano pa kasakit, gaano pa kahirap, siya lang din ang nakakapagpasaya sa'yo.
We all become masochists when we fall in love. Sabi nga ni Ariana Grande, "I am loving the pain." Kasi if it's all you ever wanted in life, pagpapaguran, kakayanin.
"Hoy Quinn!!!", sumigaw si Alex over the phone kasi para siyang ginawang diary ni Quinn. hahahahahah. "Hindi ka pa ba tapos? huhuhu.. Inaantok na ako... Usap nalang tayo bukas...pleeeaaaaassseee.. maawa ka.."
"Kailangan ko lang talaga ng makakausap.. Parang nakokonsensiya ako sa ginawa ko kay Anthony eh.", sumagot si Quinn sa humihikab na si Alex sa kabilang linya.
"Paano yan, eh you can't be with somebody rin naman dahil lang sa awa. Hindi naman pwedeng isa lang ang masaya di ba? That's very selfish."
Tama rin naman si Alex. May point talaga palagi 'tong babaeng to. Ano kaya ang pinapakain nito sa utak niya?
"Alam niyo, kayo ni Greyson, ang sarap niyong batukang dalawa!! Ang o-OA niyo! Alam niyo na gusto niyo ang isa't isa, bakit ba pinapahirapan niyo ang sarili niyo!!! Bahala na nga kayo!"
At binaba ni Alex ang phone, hindi na nakaya ang sobrang antok.
BINABASA MO ANG
The New Year Kiss
RomanceKung ganda lang naman ang pag-uusapan, Quinn Buenavista has always been the prettiest of her peers -- katawang hindi kailanman tumataba, mukhang di na kailangan ng make-up para gumanda, a natural-born fashionista, at a true-blooded alta pa. Pero kun...