Chapter 2: BEW

210 42 74
                                    

Kwinne's Point of View

Wah! Tama ang hinala ko! May nagpatayan nga dito! Hala! Pano na'to? Anong gagawin ko?

Natatarantang napatakbo ako pabalik dahil sa nakikita ko ngayon na pakalat kalat. Mga Dugo.

Takbo ako ng takbo ng bigla akong madulas.

Sa pagkakadulas ko, may nakita akong isang....

Blood?

Nakalagay sa maliit na bote. Pinagmasdan ko ito. Iba ang kulay neto sa mga Dugo. Kulay Pula pero ibang klaseng Pula. Alam kong dugo anng laman ng maliit na bote dahil meron nakalagay na E-Blood

Hawak ko ang maliit na bote ng bigla akong makarinig ng kung anong ingay galing sa Likod ko. Lahat ng Ibon ay Lumipad palayo sa likod ko. Halos lahat na din ng mga Hayop dito.

Nanginginig na'ko sa Takot. Paharap na sana ako sa likod upang tignan ang dahilan ng mga 'yon ng may humila sa kamay ko.

Hindi ko alam kung saan ako dinala nung humila saakin pero nakapikit lang ako at ayaw ko nang buksan ang mga mata ko.

Uwaaah! Ano ba 'tong pinasok ko? Huhu. Ayoko na dito! Gusto ko nalang umuwi!

Naramdaman ko nalang na binitawan na'ko ng humila sa'kin. Hala! Wag mo kong bitiwan! "WAG!"

"Huh? Miss, buksan mo mata mo." sabi ng kung sino at akmang bubuksan ko na ang mata ko ng makakita ako ng---Uwaah! Dugooo!

Napayakap nalang ako sa kung sino man ang nandito ng makakita ng Dugo.

"Oy Miss! Tsansing ka po ah!" Natatawang saad ng lalaking nayakap ko.

Minulat ko na ang mata ko at bumitaw sa nayakap ko. Bwiset 'to! Tsansing siya diyan! Palamon ko sakanya 'yung dugong 'yan eh!

Nang bigla kong mapansing hindi ko pala binitiwan 'yung maliit na bote. Hala! Baka naman kung ano 'to ah!

Pinag-masdam ko kung nasaan kami. Nandito kami sa isang maliit na lugar na napaka-ginhawa ng hangin. Apat kaming nandito. Dalawa kaming babae, kaya natural dalawang lalaki.

"Nasan ako?"

"Sa Puso niya" Huh? Puso, Puso! Baliw 'tong mga 'to!

Nasapak nung lalaking naka gray na nagdala sakin dito 'yung lalaking naka kulay puti.

Habang walang imik at nakaupo lang ang isa pang babaeng nandito.

"Nasaan nga kasi ako?"

"Nandito ka sa Safe Place ng Forest na'to." Sagot sakin nung naka gray.

"Bakit nandito ako?" Tanong ko agad

"Syempre wala ka doon" Pilosophong sagot nung babaeng naka-upo sa gilid

Ang Sungit naman ne'to! May ginawa ba ako sakanya? Eh hindi ko nga siya binalak guluhin diyan eh! Tapos susungit-sungit siya ngayon? Aba'y matinde!

"Dinala kita dito, kasi baka ayaw mo pang mamatay." Aba natural.

"Talagang ayaw ko pang mamatay! Sino ba namang tao ang nasa edad kong 'to ang balak mamatay?" Taas noong sagot ko.

Hindi ko naman gustong mamatay. Sino bang may gusto? Ilan years palang ako sa mundo noh!

"IKAW!" natatawang sagot nung dalawang mokong.

Ewan ko kung ba't makatawa eh! Letse kayo! Paano naman 'yun naging ako?!

Stuck in this Hell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon