Chapter 7: Newbies

52 13 1
                                    

Kwinne's Point of View

Ewan ko pero sa lagay ko ngayon sigurado akong napasukan na ng langaw bibig ko.

Laking gulat ko kung anong makita ko sa Locker ko. Kahit sino siguro magugulat sa nakikita nila ngayon.

Mga armas, mayroong isang baril na may mga bala. Mayroong blades. At ang pinaka-natutok ako ay sa Kutsilyo. A gold knife. Hindi ko alam pero nanginginig akong hinawakan iyon. Binitawan ko na ito at tinignan pa ang mga iba.

Laking gulat ko ng makakita ng mga Poisons at mga Antidotte. Halatang Poison ang iba at halatang Antidotte ang iba.

Para saan naman 'to?

"Tristan. Ano 'yung nasa Locker mo?" Tanong ko ng hindi man lang siya nililingon. Nakatutok parin ako sa laman ng locker ko.

"M-Mga Lason at mga Likido. M-Mayroon d-ding kutsilyo, b-baril a-at iba pa." Parehas lang kami.

"H-Heyll, A-Anong n-nasa lo-ocker m-mo?" Tanong ko na hindi man lang rin siya nililingon. Hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko kanina.

"Pareho ng sainyo. At sigurado akong gano'n din ang kay Kaeden." Sagot niya. Napatingin na'ko kay Kaeden at tumango siya.

Pare-pareho kami.

"Guys, may letter." Sabi ni Heyll at pinakita. Tinignan ko ang locker ko at meron din ako. Pati sina Tristan at Kaeden ay meron din.

Ms. Flores. Oo, pare-pareho ang nilagay ko diyan. Ako ang naglagay niyan. Itago niyo ang mga iyan. 'Wag na 'wag niyong iwawala. 'Yan ang magp'protekta sainyo. Pero siyempre hindi niyo 'yan magagamit kung 'di niyo alam papaano gamitin. So learn how to use it. It can't protect you if you won't use it. Hindi 'yan tao, bagay 'yan na kailangan niyong matutunan gamitin. May mga Lason at mga Likido rin diyan. Hindi dapat malaman ng mga nakapaligid sainyo na mayroon kayo niyan. Keep it in case. Kapag na poison kayo, nandyan ang mga iba't ibang likido. Pero hindi lahat ng Likido. May listahan riyan kung paano gumawa ng mga iba't ibang Likido o Lason. Mag-iingat kayo. Time is Running. 'Wag kayong magsayang ng Oras. Hindi niyo na maibabalik pa ang nasayang niyo na. Goodluck and Take Care.

Ms. Flores, I have a word. Here's the thing, Don't be anyone. Be your own kind of self. Don't let your anger change you. Don't trust anyone.

-Dark Princess

Kung kanina ay si Black Shadow. Ngayon naman si Dark Princess? Sinong susunod na magpapadala ng sulat? Si Bloody Prince? Psh.

Sabi nga nila, Don't trust anyone. Tama, hindi ko dapat pagkatiwalaan ang kahit na sino. So, why would I trust them?

Trust is a Firm belief in someone's honestly, truth and  justice. So why would I even Trust anyone?

Kahit 'wag mo ng sabihin. Hindi ako magtitiwala. I only trust my Treasures.

Pero sabi niya. Don't be Anyone? Don't let your Anger change you? Anong ibig niyang sabihin?

"Guys? Siguro naman pare-pareho lang mga sulat na natanggap na'tin noh? Ahehehe. Tara na!" Pagyayaya ni Kaeden. Well, sana nga pare-pareho.

Agad na kaming lumabas sa Locker Room, pero kinuha ko na ang chance na kunin ang gintong kutsilyo at itinago saaking bulsa. Pagkalabas ay nakita namin ang apat na pawis na pawis.

Stuck in this Hell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon