❝PAGOD NA AKO❞
Minahal kita ng totoo
Minahal kita ng di patago
Pinagsigawan ko sa mundo
Na ikaw ang tibok ng puso ko.
Pero di ko mawari wari't nagawa mo akong saktan
Saktan ang aking pusong ngayo'y luhaan
Luhaan, duguan at kung ano paman
Ang aking isipan ay puno ng kasalanan
Kasalanan na maari kong magawa
Magawa hindi lang sayo pero pati sa taong nagugustuhan ka
Pero may isa akong tanong
Tanong na nasa isipan at damdamin ko noong tayo pa
Minahal mo ba talaga ako o naging panakip butas lang ako
Panakip butas sa taong totoong mahal mo
Akalang akala ko, ako ang totoo
Pero mali pala ako dahil ako ang pangalawa
Pangalawa sa puso mo
Pangalawa sa oras mo
Pangalawa sa buhay mo
Pero mali pala ako dahil ako ang huli
Huli mong tatawagan
Huli mong yayakapin
Huli mong pupuntahan
Minsan nakakapagod na ren
Kahit alam kong nagiging tanga na ako
Tanga sa taong di naman ako mahal
sa taong di naman ako pinapahalagahan
Nakakatawa diba?
Nakakatawang isipin na hinayaan kita
Hinayaan kitang durugin ako
Hinayaan kitang apihin ako
Hinayaan kita, mahal ko
Pero pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Sa pag-unawa, pag-intindi, pag-alala sa kaluluwa mong walang paki
Pagod na pagod na ako
Kaya tigilan na natin to
Kasi mamamatay ako pag pinatuloy ko pa
Mahal kita,
Minahal kita,
Paulit ulit kitang mamahalin
Pero pagod na ako kaya suko na ako
Susuko na ako dahil natagpuan kita sa gitna ng laban
At akoy duguan
Dahil ako'y talunan
Mahal kita, tandaan mo yan
Pero pagod na pagod na ako.—Al Anthony Intong (@allistic_)