C h a p t e r 01

204 6 4
                                    

Prologue:

From enemies, friends and became lovers! Ano kaya ang mangyayari kung ang isang simpleng babae ay maiinlove sa isang badboy na palagi siyang kinukulit, dinidisturbo at sinisira ang araw niya..

_______________________________________________

Chapter 1:

A T A S H A

kriiiiinnnnnggggg......

nagulat na lang ako nung biglang tumunog ang alarm clock. Ano ba yan oh... antok pako, teka... Oo nga pala

" LAST DAY OF SCHOOL NGAYON!!!! " napasigaw tuloy ako.. hehe

Buti na lang sound proof ang kwarto ko kaya hindi maririnig nila mama na sumisigaw ako.. haha! Makaligo na nga...

Ayy oo nga pala hindi ko pa pinakilala sarili ko.

Ako nga pala si Atasha Nicole Mendoza, pwede niyo rin akong tawaging Tash, isa lang naman akong simple 16 years old teenager.. hehe

maliligo na ako baka malate pa ako...

After 10 minutes......

Nagbihis na ako at bumaba na....

" Good Morning! " sabi ko kila mama at kuya.

" Good mood yata bunso ko ngayon hah. " sabi ni mama na halatang kuryuso.

" Naku ma! may boyfriend yan kaya masaya." sabi naman ni kuya na halatang nangungulit.

Ayy.. oo nga pala siya si kuya Mark Anthony Mendoza ang mahadera kong kuya. Hindi pwedeng hindi kami mag-aaway niyan palagi... kasi nga galing siya sa mental! hehe Joke! siyempre love ko parin yan eh kuya ko yan eh.. JOKE ULIT! hindi ko yan mahal nuh JOKE NA NAMAN!!

" Heh kuya! kaya lang naman ako masaya kasi LAST DAY OF SCHOOL NA! "

" Tss.. ang ingay mo. " sabi ng KJ kong kuya.

binaliwala ko nalang ang sinabi niya at kumain na...

hindi pa ako tapos kumain nagsalita bigla si mama..

" Anak ililipat kita ng ibang school next school year hah, dun sa SWU. ang layo kasi ng school mo ngayon eh"

" Ma! malapit na rin naman ako mag graduate eh.. bakit hindi na lang ako dun sa ADC.. sanay narin naman ako dun ma eh.. at isa pa ma sayang lang sa budget!!!! "

" Anak ok lang naman sa budget eh.. ang aga-aga mo kasing gigising tignan mo ang panget mo na.. Lumalaki na eye bugs mo. "

" Mama naman eh dinaan mo pa sa biro!! "

"Concern lang naman si mama nak eh.. "

" Ah basta hindi ako lilipat ng school kapag hindi rin lilipat sina Dea at Keanne!! "

bago pa makapag salita si mama lumabas na ako ng bahay..

Ano bayan ang aga - aga bad mood ... sinira na naman nila mama ang mood ko...

Makapunta na lang nga sa bahay nila Keanne at Dea..

Malapit na akong makapunta sa bahay ni Keanne, nakita ko siyang bagong labas lang sa gate nila..

" Keanne!!!!! " sigaw ko kay Keanne.

" Uy! Tash! Oh anong nangyari sayo? " tanong niya sa akin.

Siya pala si Keanne Marie Perozo ang pinaka 'pikon' sa barkada namin siya lang naman ang palagi namin tunutukso, at laking ibang bansa yan.. pero love namin yan nuh...

" Ito aga-aga bad mood. "

" Bakit ka naman bad mood? "

" Si mama kasi eh, gusto niya akong ilipat ng school. "

" Saan naman? "

" Sa SWU daw "

" SWU as in South Westren University!!!?? " halos mapatalon kami nang biglang nagsalita si Dea

Siya si Dea Mae Allegre ang 'master-teaser' ng barkada makulit na makulit yan eh, pero mabait yan, at mahilig yan sa mga gwapo.. hehe.

" Dea naman oh! nagulat kami sayo! " sabi ni Keanne.

" Sorry na! " paumanhin ni Dea.

" Oh Dea ano naman ang meron sa SWU? " tanong ko

" Hindi mo ba alam, ang dami kayang mga gwapo diyan, at siyempre mat mga hearthrob! at nakapag desisyon na kami ni mama na lilipat ako sa SWU! yay!! " masayang sabi ni Dea.

Dea naman oh lilipat langng school dahil maraming gwapo, pero di ko naman siya masisisi kung mahilig siya sa mga gwapo.. hehe

" Talaga? sabi ko kasi kay mama na lilipat lang ako kapag lilipat din kayo, ano Dea sure ka na? "

" SURE NA SURE!! "

" Great, so ikaw Keanne lilipat ka rin? " tanong ko kay Keanne.

" Well, gusto ko rin naman lumipat eh, maybe my mom will say yes alam niyo naman may pagka konting 'spoiled'. hehe "

" SINABI MO PA!! " sabay naming sabi ni Dea.

pagkatapos naming mag usap pumasok na kami...

After a day.......

summer na... ang boring naman maka text nga..

To: bespren Keanne & bespren Dea

Uy mga bespren! punta tayo mall.. ang boring kasi dito sa bahay eh, wala pa naman sina mama at kuya.

hindi pa umabot ng limang minuto....

From: bespren Keanne

SURE!!!!!

From bespren Dea

WALANG PROBLEMA!!!

To: bespren Keanne & bespren Dea

Great, then, kita nalang tayo sa tapat ng mall !

agad-agad akong nagbihis at umalis na .. siyempre ni-lock ko ang door at ang gate.

_____________________________________________

End Of Chapter 1, Hello po!! first story ko po ito.. na inspire po kasi ako sa mga storys dito sa Wattpad eh.. pls cope with me!

XOXO,

Natasha ( yoshhi)

FrenemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon