Hey mga readers!!! Thank You so MUCH for being patient! Salamat sa mga nag- Vote and Comment sa story ko kahit natagalan akong mag-update. Thank You talaga!!!
I Dedicate this Chapter to all the readers who waited for my update,
And to all readers who are very patient.
Love yah all!!
Ito pabawi ko....... :)
_________________________________________________________
Chapter 11
N A T H A N
Boring naman, di ko kasi nakikita si Tash eh, wala tuloy akong maasar.
Bakit kaya siya absent? Siguro nagtatampo parin yun, dahil sa ginawa ko kahapon.Bakit ko ba nagawa yun? Di ko napigilang magalit.
" Bakit kaya wala si Tash? " biglang tanong ni John Lloid.
" O nga nuh, bakit kaya? " tanong rin ni Micheal.
" Guys, may lagnat pala si Tash kaya umabsent siya,tinext kasi niya ako." biglang sabi ni Dea.
Di ko alam kung bakit di ako mapakali nang sinabi ni Dea na may lagnat si Tash, parang di 'ko matiis na puntahan si Tash. Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko.
Bahala na nga.
Agad akong tumakbo papuntang parking lot. Ay oo nga pala di ko alam kung sa'n nakatira si Tash.
Tumakbo ako ulit papunta sa tropa.
" Keanne, ano nga pala ang address ni Tash? " tanong ko.
" Sa City Subdivision, Lot 07." sagot naman ni Keanne sa tanong ko.
" Sige salamat." agad akong bumalik sa parking lot. Pumasok sa Kotse at nag simula nang mag-drive.
K E A N N E
Ano kaya ang nangyari sa Nathan na yun. Bigla na lang tumakbo, at tinanong kung anong address nakatira si Tash.
" Anong nangyari dun? " tanong ni Sophie. nung papalapit na kami sa classroom.
" Ewan ko." sagot naman ni Dea.
" Pabayaan niyo na nga si Nathan, sadyang mahilig lang talaga mag-cutting yun." sabi ni Micheal.
Kung sabagay, mahilig nga mag-cutting si Nathan.
Pagkatapos sabihin ni Micheal yun, pumasok na kami sa classroom at umupo na sa mga upuan namin.
N A T H A N
Nakarating na'ko dito sa bahay ni Tash.
" Tao po!!! " sigaw ko, pero walang taong sumagot.
Kumatok ako nang kumatok pero wala ring bumukas ng pinto.
Nang mapansin ko na bukas pala ang ilaw sa kwarto ni Tash, agad akong umakyat papunta sa kwarto. Wala na akong pakialam kung sasabihan nila akong 'trespassing' o 'akyat bahay'.
Nang makarating na'ko dito sa kwarto, nakita ko si Tash. Agad naman akong pumunta sakanya para umupo dun sa kama niya.
Hinawakan ko ang kanyang noo. Grabe ang init niya.
Kumuha ako ng basahan at binasa 'yun.
Bakit wala ang nanay at kuya ni Tash? Teka.. ba't 'di kinukwento ni Tash ang tatay niya? May problema ba pamilya ni Tash? Iniwan ba siya ng tatay niya? Ba't wala akong alam tungkol sa tatay ni Tash? At bakit ba ako tanong ng tanong?
Hayaan ko nalang na si Tash ang mag kwento.
Pinunasan ko ang mga kamay, ang init talaga niya para kang mapapaso.
Kumuha na ako ng 'thermometer' sa 'first-aid kit' ni Tash, at nilagay sa kili-kili niya.
Pagkatapos ng ilang minuto tumunog ang thermometer.
Hala! Ang taas ng lagnat ni Tash! 39.6° .
Agad naman akong kumuha ng gamot sa first-aid kit.
A T A S H A
Napansin kong may taong pumasok sa kwarto ko, umupo sa kama ko at inaalagaan ako. Di ko makita kung lalake ba o babae.
Nagulat ako ng nalaman ko na lalake pala ang nandito.
" Ahhh!---Ugh..." pag sigaw ko bigla nalang sumakit ang ulo ko.
" Tash, bumalik ka sa pagkahiga, hindi ka pa magaling!" sabi ni.... Nathan?! What?! As In NATHAN?! N-A-T-H-A-N??!!
" Nathan?! ba't ka nandito-- Aray.." ayan tuloy sumakit na naman ulo ko.
" See? humiga ka na kasi, sumakit tuloy ulo mo!" ba't siya nandito? At pa'no niya nalaman na dito ako nakatira? Wala naman akong naalala na sinabi ko sakanya ang address ko.
" Oh, inumin mo ang gamot para gumaling ka! " sigaw niya sakin
" Kailangan bang sumigaw?! Hindi naman ako bingi eh! " sigaw ko rin sakanya. kinuha ko ang gamot at ininom yun.
" Pano ka pala nakapunta dito? " tanong ko kay Nathan.
" Malamang nag-drive ako papunta dito." Tss. pilosopo lang
" Di naman yun ang point ko eh! Nakakainis ka naman! "
" Eh ano ang point mo? "
" Pano mo nalaman na dito ako nakatira? "
" Ahhh, yun ba? Edi nagtanong ako kina Dea at Keanne." Ahh.. nagtanong pala siya, kala ko pa naman stalker ko siya. Ang assuming ko naman kung ganun ang iisipin ko. Pero malay ko. hehe XD
" 'Oh nga pala Tash sa'n ba ang nanay at kuya mo? Ba't wala sila dito? " tanong bigla sakin ni Nathan.
" Nasa school ni kuya, may orientation-chu-chu daw. Maaga sila nakaalis, kaya siguro di nila alam na nagkasakit ako." paliwanag ko kay Nathan.
Tahimik lang si Nathan, pero ilang minuto rin nagsalita siya bigla.
" T-tash, b-ba't w-wala ang--"
" Wala ang ano? "
" Wala, wala, kalimutan mo nalang." pagkatapos niyang sibihin yun hinawakan niya ang leeg ko.
" Wala ka nang sakit, balik na ako sa school, baka maabutan pa ako ng nanay at kuya mo." sabi niya at tumayo. Naglakad siya papuntang.. bintana? Diyan siya dumaan?
Binalewala ko nalang siya at pinikit uli ang mga mata ko.
_____________________________________________________
Hi!! Pasensya na talaga sa inyo mga readers natagalan
ako sa pag-update. School kasi eh.
Sana nakabawi ako sa inyo. Sana........
Siguro matatagalan na naman ang pag-update ko sa susunod na chapter, next week na kasi ang start ng formal classes namin.
Pasensya talaga. *pout* Kung makakahanap ako ng tsempo,
mag u-update talaga ako. Promise! Cross my heart, hope to fly, stick a cupcake on my eye.
Salamat talaga ng marami! Please don't forget to VOTE , COMMENT & BE A FAN sa story na 'to!
Muahh!!!! Mahal ko kayo!!!
Love Lots,
-Yoshhi-
BINABASA MO ANG
Frenemies
Teen FictionSi Atasha Nichole Mendoza, isang simpleng babae na hate na hate ang isang badboy na si Nathaniel Charles delo Santos. Pero sa isang iglap. " Pangako, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Tandaan mo yan." Samahan mo si Tash as she make her love story...