C h a p t e r 10

44 3 0
                                    

Chapter 10

A T A S H A

" Tach, ano pirch chubject mo ngayon? " biglang tanong ni Coby.

Nandito kami sa loob ng school papuntang locker.

" P.E. sa'yo? " sagot ko naman sa tanong niya.

" Di tayo pareho, Chemichry yung cha'kin eh." sabi niya habang nasa tapat na kami ng mga locker namin.

" Okie." yun lang sinabi ko at binuksan na ang locker ko para kunin ang rubber shoes ko. " Ahhh!! nawawala ang sapatos ko!! Pa'no na yan, wala na akong masusuot sa P.E. Class ko. Kahit naman luma na yung sapatos na yun, importante parin yun sa'kin." sabi ko habang nakasimagot.

" Oo nga, lumang-luma na itong sapatos mo." napatingin sa taong biglang nagsalita.

" Nathan!!!!! Ibalik mo sapatos ko!!! " sigaw ko sakanya.

Tinapon niya ang sapatos ko sa'kin. Tumalikod siya at nagsimula nang maglakad.

" Ganyan ba siya magpakita ng pagmamahal sa taong mahal niya? " narinig kong sabi ni John Lloid.

Ano ba ibig sabihin niya?

---

Mukhang stress ako ngayon ah? Punta nga muna ako sa rooftop.

Nakarating na ako sa rooftop ng may nakita akong lalakeng nakaupo. Tumingin ako sa lalake, teka parang famillar ang mukha niya.

" Morgan? " sabi ko.

Tumingin siya sa'kin. Tama nga hinala ko si Morgan to.

" Tash, 'kaw pala." sabi niya sa'kin.

" Tagal natin di nag kita ah."

" Every break time dito ako nagtatambay."

" Ahh, kaya pala hindi kita nakikita."

Tumango siya at nagsalita ulit. " Ba't ka pala pumunta rito? "

" Gusto ko lang magpahangin."

" Ahh. Gusto mo tumabi? " biglang sabi ni Morgan.

" Sige." yun lang sinabi ko.

Inalayan niya ako sapag upo, at nagsalita na kami ng kahit ano.

N A T H A N

" Guys, nakita niyo ba si Tash? " tanong ko sa tropa.

" Uyyyy, hinahanap niya si Tash." asar ni Sophie.

" Tumahimik ka nga! Sa'n nga si Tash! "

" Chilax, chill, chill." sabi ni Sophie.

Ano ba yan wala naman akong mapapala sa mga 'to.

" Nathan! Nathan! " narinig kong may sumigaw sa pangalan ko.

May dalawang babae ang pumunta sa kinauupoan namin.

" At ano naman ang kailangan niyo? " masungit ko'ng sabi.

" Nathan nakita namin si Tash sa rooftop na hinaharot si Morgan." sabi ng babaeng makapal ang make-up.

" Huh? " kuryosong sabi ko.

" Panoorin mo 'to." sabi nila at pinakita ang video na nasa cellphone niya.

Nakita ko si Tash at yung lalakeng kasama niya nung nakita ko sila sa may puno, naguusap. Kung ganon siya pala si Morgan.

Hinagis ko ang cellphone ng babae, nakita ko naman siyang nagulat, lalapit na sana ang babaeng nagmamay-ari ng cellphone ngunit pinigilan siya ng kasama niya.

FrenemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon