C h a p t e r 13

29 2 1
                                    

Anyeonghasehyeo!! Jogompaegapayo!!

Hala, naging korean na si author! Nainfluence ni bespren eh. ^_^!

Sorry sa tagal ng update ah, kakatapos lang ng periodical test namin eh...

Dedicated to EP_Kiecy nga pala!! dahil siya ang bagong follower ko!! ( sorry late nah. )

Wag na kayong magpatumpik-tumpik pa!

Basa na!!!!!

______________________________________________________________

Chapter 13

A T A S H A

Papunta na kami sa classroom ng napansin namin na may nagkakagulo sa may bulletin board...

" Ahh.. excuse me, bakit ba nagkakagulo sa may bulletin board? " tanong ni Dea sa babaeng papunta pa lang doon.

" Malapit na kasi ang annual fiesta ng school natin, pino-post na ang lahat ng activities mangyayari sa fiest. " sagot naman ng babaeng tinanong namin.

" Ano po ba ang annual fiesta? " ako naman ang nagtanong.

" Nagaganap ito sa school every year. Pero sabi nila, iba at mas magarbo daw ang annual fiesta ngayon dahil ngayong year ang ika-100 years ng school natin. Sige alis na ako. " Talaga? 100 years na ang school na ito at hanggang ngayon maganda parin ang facilities ng school, ang COOL naman!!

" Parang excited na ako para sa annual fiesta ah. " sabi ni Keanne nang umakyat kami sa hagdan papunta sa classroom namin.

" Ako rin Keanne. First time ito...natin pala. " Si Dea naman ang nagsalita. Nag-apir pa sila, kitang-kita sa mga mata nila ang galak .

Nakarating na kami sa classroom, mukha ng tatlo agad ang bumugad sa amin.

" Guys, nabalitaan niyo na ba ang tungkol sa annual fiesta? " Sabi ni Micheal.

" Oo, nabalitaan namin kani-kanina lang." sagot ni Keanne

" At alam niyo na rin ba ang tungkol sa masquerade ball? " Nathan.

" Talaga?! Wow as in wow ngayon lang ako makaka-attend ng masquerade ball." Grabe, buti nalang nag transfer ako sa school na ito. As in with a capital W-O-W!! WOW na WOW.

" Good morning class.." Nandyan na pala si Ms. de Guzman.

Umayos na kami sa pagkakaupo para magready na sa klase.

" Siguro naman class narinig niyo na ang tungkol sa masquerade ball.." tumangi kaming lahat sa sinabi ni Ms.

"I know you are all excited about it, so here it is... About sa masquerade ball, ngayon lang tayo magkakaroon nito because our school will be celebrating it's 100-years. Kita niyo ang tagal na ng school natin nuh. And in the masquerade ball may sayaw na kung tawagin ay " The masquerade dance " all should dance together with your partners..."

"Ahhhh... ma'am kami-kami lang po ba ang pipili ng partners? " Oo nga nuh?

" Partner? " sabi ni Ms. at nagsmile.

Eh? Anong meron? Ba't bigla siyang nagsmile? Nakakatawa ba ang salitang partner?

" Class, I know all of you will like it, especially girls. Boys, kayo ang magpipili ng makakapartner niyo, kailangan niyo siya bigyan ng stuffs like chocolates, candies, kahit ano. Or idate niyo siya, kayo na ang bahala magdiskarte. Kapag nagustuhan ni girl, congratulations ikaw ang magiging partner niya pero kung hindi humanap nalang kayo ng iba.. " pagkasabi ni Ms. De Guzman sa partner thing, halos mabingi na ako sa mga sigaw ng mga kaklase ko.

" Oh my gee!! I hope he'll pick me!! "

" Sana piliin ako ni Nathan baby!! "

" Sana makadate ko si John Lloid at Micheal!! "

Mga landi talaga..... Hindi maiwasan! Kala papatulan sila.

---

Tapos na ang morning subjects namin, kaya break time na. Naglalakad ako ngayon papuntang backyard at dala-dala ko ang pandisal ko. Sina Keanne at Dea nandon sa Library, nagpasama si Keanne dahil may hahanapin daw siyang libro para sa History class niya. At ang tatlong lalaki? Ewan ko..

Balik na tayo sa topic...

Papunta ako sa backyard dahil sabi nila di-diresto na lang daw sila dito at para rin makapag pahangin ako.

Nang makarating na ako, umupo ako sa bench at nag muni-muni.

Hayy... sarap ng hangin.

" Pwede maki-join... "

" Ayy, tsanak!! "

Putang!! Sino ba-- Ay si Morgan lang pala.

" Morgan naman eh!! Ba't ka nanggugulat?! "

" Sorry.. hehe, hindi ko kasi alam na manggugulatin ka pala. " sabi niya at umupo sa tabi ko.

" Morgan, nakahanap ka na ba ng makakapartner mo sa masquerade ball? "

" Actually, nakahanap na ako kaya lang nahihiya ako sabihan siya eh. "

" May regalo ka na ba para sa kanya? "

" Oo meron na--"

" Yun naman pala eh, ibigay mo nalang sakanya. Siguro naman alam na niya kung ano ang ibig sabihin kapag bibigyan mo siya ng regalo.."

Natahimik siya sandali...

" Sa tingin mo Tash, kailan ko ba dapat sabihan siya? "

" Siguro, dapat ngayon na dahil baka maunahan ka sa iba, hala ka. "

Tumahimik na naman siya...

" Tash, pwed--"

" Tash!!! Woohh.. Kanina ka pa ba diyan? Sorry ah natagalan ako, ay kami pala . Si Keanne kasi eh ang tagal makahanap.. " sabi ni Dea. halata naman na tumakbo sila papunta dito pawis na pawis sila eh at malayo ang Library.

" Okay lang. Keanne, Dea si Morgan pala. Morgan bestfriends ko."

" Hey!! " at sabay pa talaga sila.

"Sige Morgan alis na kami ah, mukhang malapit na kasi matapos ang break time eh.. geh bye!! " sabi ko at kumaway.

" Bye Tash!! "

Tumakbo na kami papuntang classroom dahil 5 minutes nalang ang natitirang oras bago matapos ang break time.

_______________________________________________

Arigato gusaymas!! hehe.. from korean naging japanese si author!!

Salamat talaga sa pagbasa ng story ko kahit matagal na akong naka-update. And salamat rin sa pag follow sa'kin!

Don't forget to VOTE, COMMENT and Be a fan sa story ko!!

XOXO,

-yoshhi-

FrenemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon