C h a p t e r 16

28 2 8
                                    

Chapter 16

Dalawang araw na simula nung pumayag akong makapartner so Nathan sa ball.

Thanksgiving ko na rin yun sa picnic na inihanda niya.

Naglalakad ako sa hallway ng school.

Busy na busy ang mga staffs sa school, takbo dito takbo doon. Hinanda talaga nila ang ball. Siguro magarbo ito.

Tumingin ako sa paligid. May nakita akong lalaking halimaw na tumatakbo papunta sakin..

Tss.. ano na naman ba ang sadya nito?

" Hoy, reminder ko lang sayo ha. Bukas na ang ball kaya makinig ka ng mabuti, una, dapat 6:30 tapos ka na mag-ayos ayoko ng mga taong parang pagong kung kumilos, pangalawa, ako ang susundo sayo kaya dapat tandaan mo ang unang sinabi ko..." Dami namang utos ng lalaking n'yo.

" Kung gaganyanin mo lang pala ako eh sana hindi nalang ako pumayag na ikaw ang makapartner ko sa ball." Sagot ko.

" Sus, ang sabihin mo in love ka sa halimaw na'to kaya ka pumayag.."

" Hambog mo rin eh noh? In love mo mukha mo! "

" Pakipot ka pa eh. Welcome na welcome ka sa puso ko Tash! "

" Hindi ka welcome sa puso ko! Che! " sabi ko at nag walkout.

M O R G A N

Tama. Kailangan ko nang yayain si Tash na makapartner sa ko sa ball.

Nagdala ako ng flowers at chocolates para ibigay ko kay Tash.

Sana tanggapin niya at sana wala pa siyang nahanap na makakapartner.

" Kung gaganyanin mo lang pala ako eh sana hindi nalang ako pumayag na ikaw ang makapartner ko sa ball." Teka... Si Tash ba 'yun?

Tumago sa pader pinagmasdan at nakinig ako kay Tash na kausap ngayon si Nathan.

" Sus, ang sabihin mo in love ka sa halimaw na'to kaya ka pumayag.."

" Hambog mo rin eh noh? In love mo mukha mo! "

" Pakipot ka pa eh. Welcome na welcome ka sa puso ko Tash! "

" Hindi ka welcome sa puso ko! Che! " At nag walkout si Tash..

Nabitawan ko ang mga dala kong flowers at chocolates..

Nakahanap na pala siya..

Huli na ako...

Ginulo ko ang buhok.

" Putaks ka Morgan, ba't di mo agad sinabi kay Tash d'yan tuloy nananahan ka! " sermon ko sa sarili ko.

Bullsh*t kang Nathan ka!! Inunahan mo ako!

Nakaupo lang ako sa sahig, walang ginagawa.

Sino na ang makakapartner ko? Si Tash lang gusto ko eh.

A T A S H A

Papunta ako ngayon sa library, may isasauli kasi akong libro.

" Morgan! "

Naglalakad si Morgan at parang wala sa sarili.

Ngumiti siya sakin pero may lungkot sa mga mata niya..

Pumunta ako sa direction niya at kinausap siya..

" Oh ano, niyaya mo na ba ang babaeng gusto mo makapartner? "

Umiwas siya ng tingin.

" Naunahan ako eh, nakahanap na siya." Malungkot niyang sagot.

" Ganun ba? " tumango siya..

" Pero, may second choice ka ba? " tanong ko ulit.

" Wala eh siya lang kasi ang gusto kong makapartner sa ball. Ako nalang mag isa ang pupunta sa ball wala namang sinabing hindi pwedeng walang partner, okay na rin yun kesa naman di ko gusto ang babaeng makakapartner ko. "

" May point ka rin. Pero malay mo nakahanap ka, yayain mo na." tumango naman siya.

" Ah sige Tash mauna na ako, may klase pa kasi ako."

" Sige. Kita tayo sa susunod! " sabi ko at tuluyan nang pumasok sa library.

____________________________

Hello na naman readers ko!! Salamat sa pagsuporta ng story hanggang sa chapter na'to sana hindi mawawala ang support niyo until the end of this story!

Don't forget to Vote, Comment and Be a Fan!

Cheryl my schoolmate! Here na the update!! Hope you'll like it!

-yoshhi-

FrenemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon