Chapter 3 |The Reason Why, Part 1| ^^

139 5 0
                                    

THEA's POV

Ang lungkot naman ng valentines day ko. Yung boyfriend ko may kasamang iba parang walang girlfriend feeling single.

Siguro ngayon tinatawag niyo na akong tanga dahil hinahayaan ko lang yung boyfriend ko na makipag landian sa ibang babae. Simple lang ayoko siyang mawala sakin mahal ko eh. Tanga na kung tanga masisisi niyo ba ako eh nag mamahal lang naman ako eh.

Nathan and I where friends since 4th year high school. Naging close ko siya lalo na nung may task na gagawin. So sinabi ko yun kay Mom and Dad dahil magkaibigan din naman ang parents namin. Sakto naman nung sinabi ko yun may deal sila na ipapagkasundo kami ni Nathan para din mag merge ang Manalili sa mga Quintos.

Nung nalaman ni Nathan yun nag iba yung tingin niya sakin, nagalit dahil sakin maaga siyang nawalan ng karapatan para maramdaman ang buhay binata, pakiramdam niya ang bata bata pa niya para ipagkasundo. Kung hindi ko lang daw siguro yun sinabi edi sana masaya siya ngayon.

Minsan birthday ko ang sabi ko mag date naman kami. Naghintay ako nun sa mall 3 oras pero walang Nathan na dumating, halos mag aapat na oras pero wala kaya nagpagdesisyunan ko na umalis pero bago ako makalabas ng mall I him with someone.

Nagalit ako ang sakit nag hihintay pala ako sa wala, yung hinihintay ko kasi may kasamang iba. Hinintay ko siya sa condo non. May condo na siya since nag 1st year college kami. Sinabi ko na makikipag break na ako sa kanya at pag nangyari yon magagalit ang parents niya sa kanya, pero wala.

"Okay hindi naman din talaga kita gusto, pake ko kung magalit sakin ang parents ko atleast wala ka na sa buhay ko. Go mag break na tyo"

Yan ang mga katagang hanggang ngayon ay pilit na bumabalik sakin, ayoko siyang mawala. Kaya sinabi ko na nagbago na ang isip ko pero ang sabi niya hindi na daw ayaw na niya kaya sabi ko gagawin ko lahat.

Then ayun nga sinabi niya sakin na kami kapag nakaharap ang parents namin pero kapag nakatalikod na okay wala lang. Papayagan ko din daw siya na makipaglandian sa mga babae as long as hindi din malalaman nila Mommy.

I love him so much kaya titiisin at gagawin ko lahat. Alam ko dadating din yung panahon na yun konting pagpapakita pa na mahal ko siya matututunan niya din ako mahalin.

Darating din yung panahon na magiging masaya ako sa piling niya, hihintayin ko yun.

JOSHUA's POV

"Josh! Ano ba! Focus naman! Kanina pa tayo re-take ng re-take dito hayss mag break nga muna"

Nasa shooting ako ngayon ng ginagawa naming up coming movie, shemay wala talaga ako sa wisyo ngayon. Iniisip ko pa lang na iniiwasan ko si Thea kagabi nakokonsensya na ako. Hindi ko naman talaga gustong iwasan yung bbaeng yun.

HIndi niya ba magets na ayoko lang siyang nakikitang nasasaktan. Text din ng text kagabi hindi ko din naman nareplayan dahil pinatayan ko ng Cellphone. Nakokonsensya talaga ako. Nagagalit lang naman ako kasi ang dami namang iba diyan bakit si Nathan pa.

"josh may bisita ka" sabi nung Manager ko, tsk sino nanaman yan. As if naman na si Thea yan dahil ang alam niya galit ako. Minsan kapag may shooting ako dumadalaw talaga yun, baka si Mikee yan. Pinuntahan ko yung bisita malay ko ba kasi kung sino yan.

Baka fan, hmmm hindi din baka si Mike-- Shet. Para kang tanga Joshua lagi mo namang nakikita si Thea bakit ang lakas ng tibok ng puso mo? Tss nakakabaliw ka talaga Thea. "Tsk bespren nakakapagtampo ka talaga hindi mo ako sinasagot sa tawag o kaya text" sabi niya sabay lakad papunta sa may beach side, nasa resort kami ngayon dito kasi ang ending ng movie na ipapalabas next week.

My Playboy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon