Chapter 9 |Walang Title| ^^

89 4 0
                                    

NATHAN's POV

Pauwi na ako galing sa Maitre Chocolatier, sa Makati tumingin ng ibibigay kay Thea. But unfortunately wala ako nabili baka nga kasi hindi magustuhan ni Thea yung bibilhin ko kaya umuwi ako ng walang dala. Hindi ko din alam kung bakit ko sinunod yung "PAYONG KAIBIGAN" ni Kedro gago talaga 'yon.

Mga 10:00pm na ako nakauwi dahil 8:45 kami pinauwi nung bwisit na coach namin. Tapos halos isang oras pa ako sa Maitre dahil nga hindi ako makapili. Pagdating ko sa mansion nila sinalubong ako agad ng katulong sakin.

"Sir Nathan nandyan na po pala kayo gigisingin ko na po si Ma'am, nakatulog sa paghihintay eh" mahaba niyang litanya sakin saka akmang tutungo sa living room na kinaroroonan ni Thea.

"Wag na, wag mo ng gisingin ako na bahala sa kanya" sabi ko naman tska umalis na yung maid. Lumapit ako lalo sa couch. Nakaupo siya dulo ng couch tapos nakahilig yung ulo niya dun sa dulo. Lumuhod ako para mag kalevel na kami.

Hinawi ko yung few strands ng buhok sa muka niya. She's like an angle na bumaba sa lupa. I'm so lucky to have a girlfriend like her. Pakiramdam ko kasi masyado akong gago para sa kanya. Gusto ko siyang kilalanin at mahalin pero may part dito sa puso ko na nag sasabing wag muna baka masaktan ka na ewan hindi ko maintindihan.

Binuhat ko na siya para dalhin sa kwarto niya, ano ba yan! Bakit kasi natulog pa siya eh sabi ko mag uusap kami. Hindi ko kasi ugaling mang gising ng taong tulog, lalo na kung hindi naman kailangan.

Pagkdating namin sa kwarto niya hiniga ko na himbing ng tulog ha.

Paglabas ko sa kwarto niya nagvibrate yung cellphone ko.

From: Kendro (GungGong)

Bro keep an eye on her, mukang may hindi magandang mangyayari bukas.

Napakunot naman ako ng noo. HER? So is he pertaining to Thea? Bakit naman? Tsk si Kendro talaga ang daming pakulo hindi na lang manahimik at magpunta sa bar para tumingin ng madaming chicks. Papunta na ako sa guest room, nag mag vibrate nanaman yung cellphone ko. 

From: Kendro (GungGong)

Bro, I'm damn serious wag mong balewalain yon. Narinig namin sila Jerry kanina alam kong hindi mo siya mahal pero kahit papano pahalagahan mo kahit ngayon lang. 

"Uhhmmm Thea sasabay ka sakin na pumasok" kabadong sabi ko. Nakita ko din na napatigil siya sa pag nguya, we're having our breakfast. 

"Uhhh may I ask why?"

"Because I say so" casual kong sagot sa kanya, alangan namang sabihin ko na babantayan ko siya kasi sabi ni Kendro mukang may mangyayaring hindi maganda sa kanya kasi ganito ganyan. Hindi kaya ako nakatulog non

"K." wow! Ang effort ng sagot. Sobrang effort. Pagkatapos naming kumain deretso na kami sa school. Habang nag da-drive ako nakita ko namang ngingiti ngiti si Thea habang hawak yung cellphone niya. "Why you're smiling?" iritado kong tanong sa kanya. Nakita ko naman kung pano napawi ang mga ngiti niya.

"Ah wala I just receive a joke from Josh" para namang may bahagi sa puso ko na sumakit. Kay Josh nakikita ko yung mga ngiti niya, pero ni minsan hindi ko siya nakitang ngumiti sakin. Hindi na lang ako sumagot.

Pagdating namin sa school. "Thea diba magkaklase tayo sa lahat ng subject ngayong araw?" tanong ko sa kanya, sana oo para hindi niya mahalata na babantayan ko siya baka anong isipin niya, "Yup o sige Nathan una na ako kasi nag hihintay sila Mikee sa cafeteria" sabi niya tska dali daling umalis sa harap ko. SILA it means kasama nila si Josh. Josh nanaman. Sige hindi ko muna susundan si Thea dahil kasama naman niya si Josh hindi naman siguro papabayaan ni Palaka na may mangyaring masama kay Thea.

My Playboy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon