Chapter 11 |Mommy?| ^^

120 4 0
                                    

NATHAN's POV

"Thea we're here" gising ko kay Thea tulog na sila ni Andrew. At mukang hindi lang tulog, tulog na tulog. Sila tulog tapos ako pagod? Aba malupet! Psh.

"Ay sorry sorry. Sige ako na bahala kay Andrew" sabi niya tapos nag ayos saglit ng gulo gulo niyang buhok. Kahit magulo buhok maganda pa din. Pag tapos ayusin onti yung buhok bumaba na para kunin si Andrew sa likod dun namin nilagay para maka tulog. Napaka cute na bata.

Ano bang gagawin niya? Gigising yung bata? "Anong gagawin mo?" curious ko namang tanong sa kanya.

She smile before answering. "Natural bubuhatin" sus kaya niya? 

"Ako na"

"Sige"

Pag pasok namin sa bahay yung mga maids parang gulat na gulat kay Andrew. Ngayon lang ba sila nakakita ng bata? Stupid.

"Jusko Hija! Sino ang batang yan? Anak niyo ba yan ni Nathan? Kailan niyo pa tinatago ang batang yan? Alam na ba ito ng mga magulang niyo. Ala--" halos atakihin si Manang. Muka bang anak namin itong batang to? At isa pa! Muka na ba akong tatay?

"Manang Felly! Grabe po kayo! Hindi namin anak yan! Manang mamaya ko na po ipapaliwanag sa inyo iaakyat ko lang po si Andrew sa taas, Nathan tara na"

Pag-akyat namin sa taas umiiling iling si Thea. "Si Manag talaga, Nathan ihiga mo na lang si Drew sa kama ko kakausapin ko pa si Manang. Tska mag pahinga ka na. I know you're tired, good night. And I.. Io... And Sweet dreams! Baba na ako!" at ayun nag tatatakbo pababa.

Pagkatapos naman niyang sabihin yun ay hindi ko mapiglan ngumiti. Tss alam ko naman yung gusto niyang sabihin eh, hindi nga lang niya matuloy.

THEA's POV

Gusto kong sabunutan sarili ko! T_T Hiyang hiya ako kanina. Gusto ko lang naman siyang sabihan ng I Love You kaso nahihiya talaga ako, aishh bakit ngayon pa ako nahihiya? Tss.

Pagbaba ko nasa dining si Manang nag aayos. "Manang" tawag ko sakanya. Natatawa talaga ako sa reaction niya kanina muka na ba akong nagka-anak? Sexy pa nga ako eh. 

"Oh Hija ikaw pala, pagpasensyahan mo na si Manang kanina. Nabigla lang naman talaga ako kasi may bata  kayong kasama." paliwanag ni Manang habang pinag papatuloy yung pag aayos sa lamesa.

Habang nag aayos siya pinaliwanag ko sakanya lahat. Okay naman lahat sakanya. Sabi ko din na pag nasa school ako siya muna mag-alaga. Sinabi niya din na tutulungan naman niya kami na mag alaga kay Andrew. Napaka bait talaga ni Manang. Simula pagkabata ni Daddy naninilbihan na siya sa mga Manalili kaya naman malapit talaga kami sa kanya.

"Sige Manang akyat na po ako. Magpahinga na din kayo. Good Night po." paalam ko kay Manang, Pag pasok ko sa kwarto hindi ko ine-expect yung nakita ko si Nathan kasi nakahiga sa tabi ni Andrew. Ang cute nila para silang magkapatid. Wala palang damit si Andrew, tutal wala namang pasok bukas edi isasama ko na lang siya sa Mall para mamili.

At dahil wala naman akong pwesto sa kama dun na lang ako sa couch nakakahiya naman kasi kay Nathan kung gigisingin ko pa siya para palipatin sa Guest Room.

Maaga ako nagising mga 3 umiyak kasi si Andrew tapos hindi na makatulog kahit binigyan ko na ng milk. May gatas naman na pinadala sila Sister. 5 am na nandito kami sa garden naglalaro siya. ANg cute cute niya talaga sarap lapirutin. Si Josh naman hindi nadin nakapunta kagabi may meeting pa daw sila nung agency niya. ANg hirap maging Teen Star T_T

My Playboy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon