Chapter 12 |Movie Marathon| ^^

138 4 0
                                    

JOSHUA's POV

"Hijo anong gusto mong kainin? Hiyang na hiyang sayo si Baby Andrew ah? Kanina pa yan iyak ng iyak samin ng mga maids. Kung hindi kay Thea sayo naman siya komportable"

Tanong sakin ni Manang Felly. Mga 7 pm akodumating dito sa bahay nila Thea. At ang cute cute nga ng kapatid niya! Nakakagigil. KInuhanan ko nga siya ng picture kanina eh tapos pinost ko sa instagram. Hahaha yung mga comment nang mga kapwa ko artista ang cute cute daw. Tapos andami din nag like.

"Wala ho Manang wag na kayong mag-abala salamat na lang" sagot ko kay Manang. Ang tagal ni Thea. Pati yung magaling niyang boyfriend wala pa! Siguro nam babae nanaman yon! Pero eto lang ang masasabi ko.

Ang sakit na ng mga braso ko! Ang bigat bigat ni Andrew! Sa totoo lang pero worth it naman kasi kapag ngumingiti siya ayy grabe.

"Bes!" napalingon naman ako. Nakita ko ang pinaka mamahal kong babae! Si Thea. Nginitian ko naman siya at hinintay na makalapit samin. Ang ganda niya lalo ngayon. Dati kasi unat na unat yung buhok niya ngayon kulot na. Ang ganda talaga. Mas lalo tuloy akong na-inlove.

"Ganda ko diba? Tsk na-inlove ka nanaman. I love you Bes hahaha" . Awwww ang sarap pakinggan. Kaso alam ko namang mahal niya ako bilang kaibigan. Yayakapin na sana ako ni Thea ng...

"Ehem, Hi Thea may binili ako para sayo. I hope you like it." sabi ni Nathan nakakadating lang. May binigay siya kay Thea paper bag, malay ko kung anong laman non! Buti naalala niya yung girlfriend niya! Tss bwisit.

Halu? Tama ba yung nakita ko? Nawala yung mga ngiti ni Thea. Tapos kinuha niya yung paper bag na parang wala lang. Totoo ba to? Anong nangyari? Nag weak na smile lang naman si Thea "Salamat nag-abala ka pa" sabay talikod. Nakita ko naman na parang kummunot yung noo ni Nathan. Yan, yan ang deserve mo. Tsk.

"Ay Bes tignan mo tong mga binili ko para kay Andrew. Ang cute no?" sabi niya ulit sakin sabay ngiti ulit! Aba mukang gustong mag laro ni Thea ah. Wahahaha pagselosin ko kaya tongg hayop na si Nathan para masaya.

"Ah Nathan pwede favor? Ano kasi may pag uusapan kami ni Thea in private so pwede sayo muna si Andrew? Salamat!"

Hindi ko na siya hinayaan tumanggi. Dahil binigay ko na sakanya si Andrew. HInila ko na si Thea sa labas. Sa pool area. At dun naman nawala agad ang ngiti niya at isang napaka bigat na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Bes ano bang nangyari? Bakit bigla ganon ka kay Nathan?"

"Kasi Bes kanina si Nathan."

"Ano nanaman? Bes Nathan na lang ba palagi?" alam kong isa lang ang ibig sabihin non sa kanya pero sakin dalawa ang ibig sabihin non. Bakit hindi na lang ako? Bakit si Nathan lagi? ANg sakit lang kasi.

"Nakita ko siya kanina sa mall may kasamang babae. Okay lang sana kung sinabi niya sakin na may date siya o ano kesa yung sasabihin niya pa na pupunta lang siya kay Kendro. Masakit kasi Bes harap harapan"

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko tutulungan si Thea.

"Alam mo Bes it's 10 in the evening na. Mag movie marathon tayo!"

"Eh? Si Andrew gising pa ata yon patulugin mo muna. Ay alam mo Bes may binili pala akong mga snacks kasi alam kong nandito ka. Ihahanda ko na tapos ikaw alam mo na haha sige na Bes hahah" tata-tawa tawang sabi ni Thea ang ganda talaga.

Pumasok na kami sa loob. Kinuha ko na si Andrew kay Nathan na halatang imbyernang imbyerna. Kakausapin sana niya si Thea kaso nilagpasan lang siya ni Bes. Napa WHAT-THE-FVCK expression naman si Nathan. Yayain ko kaya to.

My Playboy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon