Chapter 4 |The Reason Why, Part 2| ^^

103 4 0
                                    

NATHAN's POV

Natapos ng gamutin ni Thea yung sugat. Gago talaga yung lalaki kanina sa Bar.

*kringgg

"Hello?"

Sino naman kaya yung tumatawag kay Thea? tss pakialam mo ba Nathan!

" ah wala siya? Siga papunta naman na ako eh pakihanda na lang kamo yung gitara pati yung mga kanta"

Ahh siguro si Elenor yan. Hoo! Nakahinga naman ako ng maluwag tss! Ano ba Nathan! Para kang tanga wala lang naman sayo si Thea eh!

"Alis na ako Nathan tawag ka na lang kapag may kailangan ka"

Iaabot ko na sana yung bag niya kaso aabutin niya din kaya nagdikit yung balat niya sakin.

 Napatingin naman ako sa kanya. Nag iwas naman siya. Ang init niya! Parang mapapso yung hahawak sa kanya. "Ang init mo okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Sympre kahit naman cold ang pakikitungo ko sa kanya may pakialam pa din ako. Boyfriend ako eh dapat alam ko yun.

Ngumiti nama siya. "oo ayos lang ako, sige ah una na ako wala kasing magpeperform sa bar alis na ako" sabi niya tapos lumabas na sa condo. Kaya pala ang tamlay niya kanina.

Sa totoo lang gusto ko talagang subukan mahalin si Thea. Kaso takot ako, maraming nagmamahal kay Thea at natatakot ako na maagaw siya sakin lalo na kapag mahal ko na siya tapos tska pa siya nagmahal ng iba.

Kaya hanggat maari ayokong mahulog sa kanya. Si Thea kasi lahat nasa kanya na. Yes alam ko swerte ako dahil meron akong KHRYZL THEA MANALILI pero baka kasi mangayri yung nangyari sa kaibigan ko nung 4th year kami.

Sobrang mahal na mahal niya yung girl. Lahat ginawa niya para lang sumaya pero ano? Nakuha pa siyang lokohin. Ang mga kaibigan ko lahat sila may mapapait na nakaraan sa pag ibig. Napagtanto ko na lahat ng babae pare prehong manloloko.

Ayokong dumating sa point na mamahalin ko siya. Hanggang kaya kong pigilan pipigilan ko ayokong masaktan.

THEA's POV

Nakakaasar naman! Pano ako magpeperform ngayon?! Ang sakit sakit ng ulo ko at nahihilo ako inuubbo at sinisipo pa! Bwisit! Parang konting galaw ko lang tutumba na ako. Hayss masyado kasi akong nag paulan kagabi. Pagkahatid kasi ni Josh sakin sa bahay pumunta ako sa isang lugar na lagi kong pinupuntahan lalo na kapag may problema ako.

Kaso sa kasamaang palad nakiiyak din ang langit sakin kaya ayun nagiyakan kami. Kaya heto ako ngayon sinisipon. Paano ako kakanta neto? Ang taas taas ng lagnat ko. 

Kanina din bago ako umalis sa condo ni Nathan hindi ko maiwasang hindi kiligin! Nag aalala siya sakin yieee Im so knikilig! Hahaha pagbigyan niyo na ako minsan lang naman ako bigyan ng atensyon ni Nathan eh.

 "Ma'am okay lang po ba kayo? kaya niyo ba magperform?" tanong sakin ni Elenor. Halata din naman na nag aalala siya. 

"Sa totoo lang hindi eh ko kaya wala ba talagang mag peperform?" Naghihintay kasi ang mga costumer baka magalit. Hayy kaya ko to kahit isang kanta lang.

Kaya naman siguro isa lang naman eh. Ipapahinga ko na lang to sa mansion mamaya. "Elenor" tawag ko sa katabi ko. "yes Ma'am?" pagtatanong naman niya.

"ano yung song request nila? yung pinakamarami at yun na lang ang kakantahin ko." sabi ko namnan sana hindi mahirap itugtuog at hindi din sana mahirap kantahin.

"Kung Akin Ang Mundo. Yan po Ma'am sawi lahat ng costumer natin eh" pagbibiro naman niya. Takte hindi ko saulo yung chords nun eh.

My Playboy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon