Chapter 14 |Game| ^^

152 5 1
                                    

NATHAN's POV

Game na ngayon. Kinakabahan talaga ako. Pano kung matalo kami? Edi disappointed ang mga stu6dents na manonood, pati si couch pati si Thea. Taragis! First time ko siyang niyaya na manood ng game namin tapos matatalo pa?! Dapat talaga manalo kami. Aishh kinakabahan talaga ako. Eh?! First time kong kabahan pag may laro.

"Uhh Thea wag ka na lang kaya manood?"

"What?! Ang aga mo akong ginising! Almost 3 hours lang yung tulog ko tapos ngayon sasabihin mo na wag na lang ako manood?!"

"Ahh ehh kasi ano"

"What ever. Edi hindi na lang ikaw ang papanoorin ko. Yung mga nasa kabilang team na lang. Bahala ka sa buhay mo"

What the hell? Kaya ko nga siya i-invite para panoorin niya ako eh. Hindi para panooring ang ibang player! Tss. Kinakabahan kasi talaga ako! Ano ba naman yan.

"Alam mo Nathaniel tumigil ka na dyan sa pag iinarte mo. Manood ako kasi niyaya mo ako tapos ang usapan kaya tara na"

What the? NATHANIEL?!

"Fine. Teka wala ka pang pantalon? Masyadong maiksi yang short mo. Mag palit ka nga!"

"Nathan hindi naman ganon kapormal ang pupuntahan ko. Manood lang ako ng game niyo bakit kailangan pang naka pantalon? Tsk. Tara na malamang hinihintay ka na ng mga team mates mo...

Yung tubig mo? Towel? Pamalit na damit? Dala mo na ba lahat? Okay tara na. Manang! Alis na po kami. Si Andrew po pag umiyak pakainin niyo lang po, okaya padedein niyo na lang po. Tapos po pag papaliguan niyo maligamgam lang po. Ah ano----"

"Thea, anak alam na ni Manang yan. Parang hindi naman kita inalagaan nung bata ka."

"Yeah pasesnya na kayo Manang. Ibinilin kasi ni Mommy yan eh."

Ang haba naman kasi ng speech niya! Hahaha pero natutuwa naman ako at parang baby din ako na inaalagaan niya. Kanina nung nag aalmusal kami puro karne at gulay ang pinakain sakin pati may gatas pa! Para daw hindi ako mang hina sa game mamaya.

"Ano tutunganga ka na lang ba dyan o aalis na tayo? Dalian mo baka mamaya ma-traffic pa tayo"

Ano ba? Kinakabahan din ba siya? Siya ba yung mag lalaro? Hahaha halatang halata naman na kinakabahan siya. Ano naman ang ikinakaba niya? Eh ako nga tong mag lalaro.

Hinawakan ko yung kamay niya at ayun nga ang lamig. Bigla naman niyang binawi. Hahaha! Nawala tuloy yung kaba ko.

"Kinakabahan Baby? Hahaha bakit ka naman kakabahan? Ang galing kaya ng boyfriend mo! Tingin mo matatalo kami?! Wala ka bang tiwala sakin?"

"Awwww-- arayy! Thea masakit! Ano ba! Ang sakittt! Ahh aray!"

Pano ba naman kasi kinurot ako sa tagiliran na para bang nang gigigil sakin. Tapos kagat kagat niya pa yung labi niya. Ahahaha ang cute cute! "Napaka yabang mo! Tara na aalis na tayo! At pwede! Mahiya ka naman kay Manang sa kayabangan mo! Tse! Tara na hinihintay na din ako sila Josh don."

Nawala naman agad yung ngiti sa mga labi ko. Bakit ganon? Parang may kumirot? Dito sa bandang dibdib ko? Dati pa to ganito eh. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Ano ba yan! Pati sarili kong nararamdaman hindi ko na din maintindihan?! Nahawa na ba ako sa ka-abnormalan ng kaibigan kong si Kendro? Tsss.

*kringggg

"Hello? Oh Kendro? Napatawag ka? Ahh okay sige. Ahh... Hoy galing niyo mamaya! Hahaha... Ano ba yun? Yun lang kinilig agad? Hahaha sige na baba mo na bye."

Luh? Bakit naman tumawag ang abnormal kong kaibigan kay Thea?

"Si Kendro yun? Bakit tumawag? Tska ano yung 'yung lang kinilig agad thiny' ha? Ano bang sabi sayo ni Kendro?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Playboy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon