Chapter 7 |Jerry| ^^

123 4 0
                                    

THEA's POV

Lalabas sana ako para pumunta sa pool area kaso biglang may nagbukas ng pinto, si Nathan siguro yun. Kikiligin na sana ako eh kaso yung kanina kasi hindi ko siya maintindihan.  Hayyy minsan nkakapagod din maging ganito. Pero ayoko naman sumuko agad.  Ayokong pag sisihan ko ito sa huli.

Hindi din naman ako galit sa kanya sadyang nagtatampo lang, kahit alam kong hindi naman niya ako lalambingin.

Tumayo na ako at lumabas dala yung gitara. Ganito ako eh kapag malungkot sa pool area tapos tutgtog.

"oh hindi ka pa matutulog? may pasok pa tayo bukas" napalingon naman ako sa lalaking nagsalita. Akala ko ba tulog na si Nathan? Tsk kung kausapin naman niya ako parang walang nangyari kanina.

Tinignan ko lang siya tapos tinuloy ulit yung pagtugtog ko. "hindi pa" sinagot ko din naman yung tanong niya baka sabihin niyang bastos ako, nakakahiya naman sa kanya.

"it's late matulog ka na" sabi niya at nakaupo na din siya sa tabi ko. "sabi ko nga hindi pa" inis kong sabi sa kanya. He's acting like he care for me kahit alam ko namang wala. Tumayo na ako at pumunta na lang sa veranda tsk bahala siya don mag isa niya. 

"iniiwasan mo ba ako?" -_______________________- ang kulit naman Nathan! Hindi niya ba nahahalata na ayaw ko siyang kausap. 

"no" cold kong sagot.

"ano bang problema mo?!" medyo tumaas yung boses niya. 

"none"

"what the hell Thea! tumigin ka sakin kapag kinakausap kita!"

"ano ba Nathan? Kung kausapin mo ako parang hindi mo ako girlfriend at least man lang kausapin mo ako bilang babae, at kung nandito ka din lang para awayin ako bumalik ka na lang sa condo mo. Good night matutulog na ako"

Nakakainis siya! Siya na nga tong may kasalan siya may ganang magalit. Pasalamat siya hindi ko to sinasabi sa mga parents ko at parents niya yang pagiging playboy niya.

-------------------------------------------

"Girl! nakakainis kayo ni Josh! hindi niyo ako sinama gumala pala kayo!" kunwaring natatampo na sabi ni Mikee eto talagang babaeng to. Nandito kami sa cafeteria ngayon kumakain.

Actually hindi kami nag imikan ni Nathan kanina. Ay mali hindi ko pala siya pinapansin kahit kinakausap niya ako.

Imbis na mag sorry kung ano ano pa pinagsasabi. 

"Thea!" sigaw sakin ni Mikee

"ano ba tatanggapin mo ba o hindi?"

"ang alin ba?!"

"Ayan oh!" sabi niya sabay turo dun sa right side ko. Tumingin naman ako at....

Si Jerry nanaman?! -_____- Hindi ba talaga titigil tong lalaking to? Si Jerry sipag niyan man ligaw! Since first year college kami nanliligaw na yan. Hanggang ngayon! 

"Jerry? Flowers at chocolate nanaman? gusto mo bang mag ka diabetes si Thea? At isa pa! Patay na ba si Thea? Lagi mong inaalayan ng bulaklak---"

Eto talagang si Mikee ang bitter! Wala ehyung crush niya daw kasi  hindi siya napapansin. Pag tinatanong ko naman kung sino ba ang napakamalas na lalaki na yun sasabihin niya na lang daw sa tamang panahon.

"Ah pasesnya ka na kay Mikee, Thanks sa flowers at chocolate ha? Bye Mikee tara na" sabi ko at kinuha na yung mga gamit at yung binigay niya.Sinabi ko din naman na kasi na wag na siya manligaw dahil may Nathan na ako. Hindi naman masama ang itsura ni Jerry pero hindi talaga! 

My Playboy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon