Chapter 6 |Date| ^^

106 6 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Nang makaalis na sila Thea at Joshua agad din naman umalis si Nathan. Napagisipan nito na magpapabili na lang siya sa Mommy niya ng damit at ipadala agad sa mansion ng mga Manalili. 

Bago kasi makalabas ng mansion ang magkaibigan ay inakbayan ni Joshua si Thea at sinabing "Bespren! Namiss kita! San mo gusto? Magdedate tayo ngayon!" sabi naman nito na todo ngiti pa kaya lalong kumulo ang dugo ni Nathan.

Hanggang ngayon naguguluhan pa din siya sa naaramdaman niya. HIndi niya alam kung bakit ganito siya ngayon.

Kung kayat pagkaalis na pagkaalis ng magkaibigan ay sumakay na din siya sa kotse at sinundan ang dalawa. HIndi siya mapakali hanggat nasa loob ng sasakyan ang dalawa. 

"Damn ano naman kayang pinag uusapan ng dalawang yon? Tss" sabi nito sa isip niya. Hindi naman ito nagpapahalata na sinusundan ang kotse ni Joshua.

Maya-maya tumigil ang sasakyan nila sa isang Italian Restaurant. Sikat ito at dinadayo lalo na ng mga mayayaman. Matagal bago bumaba ang dalawa. Kaya lalong siyang nainip. Ayaw na ayaw niya ang naghhihintay ng matagal maiiniping tao si Nathan.

Uanng lumabas si Joshua. Nakashades ito at naka suot ang hood ng jacket. Yan din ang hirap sa mga artista kailangan mo laging magtago sa harap ng mga tao. Lalo na at sikat si Joshua. Lahat ng teen ager girls ay nababalis sa kanya kaya kailangan niya lagi mag ingat.

Pinagbukasan naman nito ng pintuan si Thea. Nakashades din ito ngunit litaw pa din ang ganda ng dlaga.

Pagkapasok ni Thea sa Loob at siya namang pagbaba ni Nathan sa kotse. Nagsuot siya ng bonet at shades para hindi siya mahalata.

Kung hindi mo siguro kilala ang magkaibigan ay aakalain mong magnobyo at magnobya ang dalawa. Masayang kumakain at parang walang problema. 

"ang sweet naman nila. Babe tignan mo oh"

Sabi nung babae sa likod ni Nathan na kumakain din sa restaurant.

"oo nga bagay na bagay sila" pagsang ayon naman ng kasama nitong lalaki.

"Tsk mas bagay kaya kami laking gwapo ko sa palaka na yan no!" gusto niyang isagaw yan sa mga taong nasa likod niya kaso baka mahalata siya nila Thea. Umoder lang siya ng juice para masabing may dahilan para siya ay magstay sa lugar na iyon.

Maya-maya ay tapos na ang dalawa kumain. Nag kwekwentuhan na lamang ang mga ito, habang ang isang grupo ng mga kabataan ay pumasok sa restaurant upang kumain. Naupo ang mga ito sa katabing lamesa ng magkaibigan.

JOSHUA's POV

TSSSS! Ang ingay naman ng mga batang ito! 

"Pst! wag ganyan ang muka, mga bata yan eh parang hindi naman tayo dumaan sa ganyan ikaw talaga!" sabi sakin ni Thea siguro napansin niya na nabanas ako sa mga kabataang nasa katabing lamesa namin. 

May punto siya. Ganyan din kami dati nung high school kami. Daig pa namin ang nag aaway sa kanto kapag magkakasama kaming tropa.

Pinisil ko yung pisngi niya sabay sabi "oo nga naman haha"

"aray ko naman!" sabi niya habang hinahawakwakan yung kanjang pisngi niya.

"Ayieee ang sweet niyo naman po Ate Kuya! Papicture naman!!!" sabi nung cute na girl. Maliit lang siya maputi at chinita sarap ibulsa haha!.

"Sure" sabi ko naman sabay tumayo. Hindi naman ako masyadong nakikilala sa outfit ko ngayon. Tumayo din naman si Thea. Pareho kaming nakasalamin ngayon wala lang trip namin.

My Playboy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon