Chapter 1- Matthew 5:16

58 0 0
                                    

  Matthew 5:16
 Make your light shine, so that others will see the good that you do and will praise your Father in heaven

.Make

 Isang verb na mababasa sa salitang English na ibig sabihin gumawa tulad ng gawin ang ating gawaing bahay,assignment o mga responsibilidad at sa Verse na Matthew 5:16 meron daw tayong dapat gawin. Ano nga ba yun?

 Light

Kapag sinabi natin light tumatatak agad sa ating isipan ang ilaw dba? Pero kung paano ganito ang pagkasabi natin "your light"? Ano agad tatatak sa isipan mo? Paano ako magkakaroon ng ilaw eh wala naman akong bombilya o lampara dyan hindi naman yan ang ibig sabihin ng "your light" dyan kundi yun mga mabubuti at masasama mong gawain.

 Shine

Kapag ang ilaw na hindi masyadong maliwanag hindi nakakapunta ng malayo ito ay pang-malapitan lamang o kaya ang bahay na ang ilaw ay hindi masyadong maliwanag ay sadyang malabo. Ngayong anong ilaw ang pinili mo ang masama o ang mabuti?

Good

Hindi sinabi sa Matthew 5:16 na bad ang mas mag-shine kundi ang Good   

 See

  kung pinili mo ang mabuting ilaw siguraduhin mo na makikita yan ng iba huh yung tipong kapag mapapaharap ka sa sobrang liwanag mapapapikit ka na lang dahil sa sobrang silaw nito, tulad ng araw kapag tumingin ka paitaas mapapikit ka dahil sa tindi ng liwanag nito kaya dapat ganun rin pinili mo ang mabuti so dapat matindi yung ilaw yan hindi mas nangingibaw pa yung kasamaan kaysa mabuti. Alam niyo naman siguro kung ano ang ibig kung sabihin dba nasa diyos ka na kaya dapat mas mangingibaw yung mabuti sa salita,gawa at kilos hindi mas mangibabaw ang ilaw ng kasamaan at mas matindi pa mas yun ang nag-shine kaysa mabuti remember kung ano ang mas maliwanag yun ang mas nakikita nila. Ngayon na nakapili ka na sa dalawa. Make your light shine, so that others will see... gawin mo ang ilaw mo na mas matindi pa sa araw ang liwanag para ito'y makita ng iba huwag mong hayaan na ito ay mamatay.  

   Good

 Hindi sinabi sa Matthew 5:16 na bad ang mas mag-shine kundi ang Good kaya simula sa araw na ito practice to make good kasi minsan mas bad doings ang mga nag-shine sa buhay natin kaysa mabuting gawain kahit sa simpleng bagay man lang

 Praise

Sa paggawa ng kabutihan kahit sa simpleng bagay lang meron na tayo napapasayang tao at meron pang isang dyan na mas masaya pa kilala mo ba kung sino siya?

 Father in heaven

 Ang ating ama nasa langit na palagi nanunuod sayong mga gawain. Let your glory shine so that our Father in Heaven will praise you. Amen




Conclusion: Kapag nasa Diyos kana ipakita mo din sa salita, gawa at kilos ang kabutihan dahil tayong mga Christian ay sadyang madami ang nagmamasid sa atin baka masabihan pa tayo na. Christian nga yan pero grabe naman magmura o ano pa ang pwede nilang masabi sayo kaya kung ayaw mo masabihan ng mga ganyan dapat kahit sa simpleng bagay lang ipakita mo ang gawaing mabuti bago ko sinulat ito ako mismo ang pinatatamaan ng Diyos dito na dapat mas mag-shine ang light ng kabutihan sa ating mga kristiyano para maging best example tayo sa kanila hindi para maging bad examples pa :) To God be his glory :) Amen

A/N:Pwede itong basahin kahit ng mga first timer nasa inyo ang desisyon wala sa akin pero ang message talagang ito ay para sa mga dating kristiyano na tinaggap na nila si Jesus na kanilang personal na tagapaligtas BTW congrats sa mga first timer dyan na tinaggap niyo na si Jesus na iyong tagapaligtas nagsisimula ka pa lang kapatid marami ka pang pagdada-anan ng mga pagsubopk pero huwag ka mag-alala hindi ka naman niya pabayaan keep your faith strong with him :)

The Promise of the WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon