*Chapter 1*

15 0 0
                                    

(Jullianne's POV)

~Kringgg~ Kringgg~ Kringgg!!

"Ang ingay naman! Natutulog pa ako!" Ingay-ingay kitang may natutulog pa oh. Hayy. Pagod pa ako galing sa swimming. Matulog muna ako ulit.

~Kringgg~ Kringgg~ Kringgg!!

Ano ba naman yan!! Aiishh!
Bahala ka dyan. Basta matutulog pa ako. Antok pa ako ehh!


"Hoy Jullianne! Gumising ka dyan! Malelate ka na sa klase mo! Tignan mo yung oras oh malapit ng mag alas 7. BANGON!" Sabi ng mama ko sabay sampal sa mukha ko. Aray ko naman mama. Pwede mo naman akong gisingin ng hindi sampalin diba!? Hayy damang-dama ko na talaga ang sinag ng araw kaya napatayo ako para maligo na.

"Aray ko naman po. Eto na oh babangon na. Hayyy!!" Maliligo muna ako.

"Pakibilisan kasi pati ako malelate na. Bagal mong kumilos!" Sigaw ni mama sabay.





~ BLAAAGG!!


WOW mama huh? Umagang umaga galit napo kayo. Pagpasensyahan mo naman ako, eh sa inaantok pa ako eh.
At tuluyan na siyang lumabas sa kwarto ko. Hay mama talaga.

Pumasok na ako sa CR at nagsimula ng maligo. Habang naliligo ako ay kumakanta ako para hindi ako matatakot. Matakutin kasi ako kung mag-isa lang ako ehh. Lalo na sa dilim. Kung matutulog nga ako nakabukas naman ang ilaw. May nagsabi kasi sakin nung bata pa ako na may tatabi daw sakin sa pagtulog kung walang ilaw kaya ayun hanggang ngayon takot parin akong matulog ng hindi nakabukas ang ilaw. Haha naintindihan nyo po ba? Intindihin niyo na muna po ako kasi medyo wala ako sa tamang pagiisip ko ngayon kasi first day of school. Haha. Nang malapit na akong matapos maligo eh lumabas na ako ng CR. Paglabas ko sa CR ay mabilis akong nagbihis at pagkatapos kong magbihis ay nakita ko yung orasan. Hala!! 20 mins. nalang ay malelate na ako. Mabagal pa naman kong kumilos nakuu! Kaya dali-dali akong lumabas sa kwarto ko at pumunta na sa kusina.

Ay! Time first! Magpapakilala muna ako sa inyong lahat. Ako nga pala si Jullianne Laurice Bernardo. 16 years old. 4th year highschool na ako ngayon. Nag iisang anak. Medyo may pagkaboyish po ako kaya siguro wala akong lovelife. Nakatira sa San Francisco. Haha di joke lang nakatira po ako sa Barangay Guerrero.

(Author : sa mga readers jan sa leyte po ang lugar na yan. Part sa Bato, Leyte para mas malinaw. Pero kung di niyo parin alam ang lugar na yan eh magtanong na lang kayo. Baka magtaka kasi kayo kung sang lugar yan. Yun lang naman haha)

Kasalukuyan na akong kumakain ng almusal ngayon. Nakaka-inip talaga pag palaging itlog yung ulam mo. Hayy. Pero masarap din naman. Wala namang pagkain na hindi masarap noh? Haha. Binilisan ko ang aking pagkain dahil late na ako. At muntik na akong ma bilaukan dahil sa tinanong ng papa ko.

"Anak, may manliligaw ka na ba?" Sabi ng papa ko. Papa naman ehh. Ang sarap na ng kain ko dito binabadtrip niyo ako! Nakakainis ka papa huh.

"Papa naman eh! Syempre wala noh. Alam niyo naman diba na wala pa yan sa isip ko. Hayy nakakainis!" Inis kong sagot kay papa. Talagang wala pa yan sa isip ko noh. Eskwela muna bago lovelife2. Eh sa mabait ako ehh..haha tsaka parang forever alone nga lang ata ako eh. Walang kasing nagkakagusto sakin. Ang sakit lang. Haha pero tanggap ko naman.

Enemies  to Lovers Where stories live. Discover now