*Chapter 6*

23 0 0
                                        

(Jullianne's POV)

Pauwi na ako sa bahay para magtanghalian. Hindi na kami nagsama pauwi ni Cherrie kasi nauna na ako sa kanya. Hayyy. Mag-isa na naman ako sa bahay. Ang mama ko kasi hindi uuwi sa bahay kapag tanghalian kasi doon lang siya sa room niya kakain. Samantalang ang papa ko naman ay may trabaho. Kaya eto ako ngayo L O N E L Y. Lagi naman ehh. Hay buhay. Mabuti pang matulog na lang muna ako para makapagpahinga naman ako. Nakakapagod.

Habang nakahiga ako ehh iniisip ko parin yung gangster na yun. Bakit dito pa nya napagtripang mag-aral? Marami namang magagandang skwelahan pero bakit sa skwelahan pa namin?! Aiiisshh nakakainis!!! Mas bagay sa kanya sa private school mag-aral kasi mukhang mayaman yung lalaking yun. At tsaka baka wala pang isang taon ta-transfer na naman yun kasi dito sa skwelahan namin ehh kasi kailangang masipag kang magtrabaho. Ehh parang ang tamad nga ng itsura ng lalaking yun ehh!!   (Author: ayy nagsalita si ateng.)

Hayy. Oo tamad nga ako otor pero parang mas tamad naman yung lalaking yun. Chee!! Teka, bakit siya ang iniisip ko?! Aiishh. Ano ba toh!!! Bwisit! Mabuti pa si ate crush nalang ang iisipin ko para hindi ako ma bwi-bwisit. Sana talaga hindi sila magkita ni ate crush kundi baka masapak ko yung lalaking yun kung sasaktan nya si ate crush! Subukan lang niya! Kakain na nga muna ako, baka gutom lang tong lahat ng iniisip ko. Baka pag NABUSOG na ako mawawala na sa isipan ko yung lalaking yun. Hayy. 

Pagkatapos kung kumain ehh nag toothbrush muna ako tapos nag suklay at nag lagay lang ako ng kaunting pulbos. Pagkatapos kinuha ko na yung bag ko at nag-abang na ako ng masasakyan patungo sa skwelahan. Tinignan ko yung relo ko at nakita ko na late na ako. Kaya nagmadali akong maglakad para makahanap kaagad ako ng masasakyan. At ayun! Nakakita na ako ng sasakyan at sumakay na ako.

-----------------------------------------------------------

Pagkalipas ng 1234567810 oras ay dumating na rin ako sa skwelahan at nagbayad na ako ng pamasahe. Ang bagal kasing magdrive ni kuya ehh parang hindi pa ata yun kumakain. Hayyy. Kaya nagmadali akong pumunta sa first subject namin sa tanghali. Pero pagkarating ko sa room, wala yung mga kaklase ko dun. Tapos bumalik ako sa guard house para tignan yung schedule namin pero tama naman ang pinuntahan ko na room kanina ahh! Eh bakit kaya wala yung mga kaklase ko dun?? Halaah! 

"Oyy Jullianne! San ka pupunta?" Sabi ni May. Naku late na naman tong si May. Tsk tsk! (Otor: Parang hindi late ahh!) Hehehe sabi ko nga otor. Tumahimik ka na.

"Ehh May, kanina kasi pumunta ako sa TVE room namin pero bakit wala yung mga kaklase namin dun?" Tanong ko sa kanya. Nalilito na talaga ako.

"Baka sa room natin lang tayo? Halika subukan nating pumunta sa room." Sabi niya sakin at nauna ng maglakad. Kay sumunod na ako sa kanya kasi no choice na ako. Pagdating ng pagdating namin sa room ni May ay tama nga siya na nanduon nga ang mga kaklase namin. Pagkapasok ko sa room ay may nakita akong isang lalaki na  hindi ko inespect na makita ko. Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit siya nandito. Mababadtrip nanaman ako neto!! Hayyy..

"Uyy! Anong ginagawa mo dito? Kaklase ba kita? Bakit ka may dalang libro? Diba isa kang gangster? Pakitang tao!" Sunod-sunod kong tanung sa kanya sabay at sinigawan siya. Pagkatapos kong tanungin at sigawan siya, tinitigan nya ako. Bakit wala na siyang panyo sa ulo niya? Tss.. At aba grabi makatitig tong gangster na to! Kung makakamatay nga lang yung pagtitig siguradong kanina pa ako namatay dito.

Enemies  to Lovers Where stories live. Discover now