*Chapter 3*

8 0 0
                                        

(Khen Kian's POV)

Hello sa inyong lahat. Ako nga pala si Khen Kian Tan. 17 years old na ako ngayon at mag e-18 na kami ng kakambal ko sa darating an August. Ang pangalan ng kakambal ko ay si Khen Klode Tan. At my bunso kaming kapatid na si Jasmien Ann Tan.  Sa BSF kami mag-aaral ng kakambal ko ng Senior High ngayong taon. Pati si Jasmien sa BSF na rin muna mag-aral sa isang taon ng Highschool.

Sa Manila sana kami mag-aaral at titira ngayon pero sabi kasi ni mama na dito muna kami sa Leyte ng isang taon. Gusto niya daw kasing libutin ang buong visayas. Wierd lang eh noh? Gusto ko pa naman mag-aral sa Ateneo. Sabi kasi nila maganda raw ang paaralan na yun. Eh tong kakambal ko wala namang pinipiling lugar to basta makapag-aral lang daw siya. Parehas din sila ni mama noh? Ang we-weird. Tss. Ang boring nga dito ehh hindi masyadong maraming tao. Sa palagay ko nga wala kaming makakalaban dito na gang. Sinadya ata to ni mama ehh pero okay narin kasi nandito naman yung mga ka gangmates ko. Nangako kasi kami sa isa't-isa na walang iwanan, walang mang-iwan at walang mag qui-quit sa grupo. Corny man pakinggan pero totoo yun.

Sasabihin ko lang sa inyo huh na ako ang pinaka gwapong nilalang sa balat ng lupa. Ako lang at wala ng iba. Ano!? Sinong aangal!??

(Author : Eh yung kakambal mo? Magkamukha lang naman kayo ah. Edi hindi lang ikaw. Kundi kayong dalawa. #justsaying).

Ang epal mo otor! Mas gwapo naman ako dun sa kakambal ko noh. Eh nerd naman kasi siya at simple lang manamit. Kaya ko nasabi na mas gwapo ako sa kanya. Makinig na lang kayo!

Hindi talaga kami magkasundo ng kakambal ko sa kahit na anong bagay. Yung mga gusto niya kasi ay ang pagbabasa ng libro, at napaka adik mag-aral. Pagkatapos magre-review pa yun at tsaka gumawa ng projects at assignment. Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya? Tss! Opposite na opposite talaga kaming dalawa. Eh ang gusto ko kasi ay ang makipag-away, maghanap ng gulo at mantitrip. Tamad talaga akong gumawa ng mga projects at assignment. Pati nga ang pag-review hindi ko magawa. Hindi naman ako ganito dati eh. Noon magkasundong magkasundo kami ng kakambal ko sa lahat ng bagay. Pero ngayon parang imposible na ata yung mangyari. Malalaman niyo rin kung bakit naging ganito na ang ugali ko sa tamang panahon. Pero isa lang talaga ang bagay na magkasundo kami ng kakambal ko. BABAE *wink! ;-) Eh sa mga pogi kami eh.

At tsaka ako pala ang leader ng gang namin na The Black Knight. Hindi maiiwasan sa gang namin na magkaroon ng admirers. Syempre mga gwapo kami ehh PERO ako ang pinakagwapo sa kanilang lahat. At syempre mayaman kaming lahat noh. Walang makakasali na kahit na sino sa gang namin kung hindi ka mayaman. Kasi itong gang namin kahit saang lugar na napadpad. Sa Korea, China, Japan, at marami pang iba. Ngayon sa Pilipinas naman kami.

Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko. Wala akong balak pumasok sa paaralan. Nakakatamad. Maaga akong gumising ngayon. Nakasanayan ko na kasi to at ito kasi ang routine ng gang namin. Gigising ng maaga para maghanap ng mga kaaway o di kaya mag-inuman. Pero pag klase na palaging late. Nakakatamad kasing pumasok sa paaralan eh.

Buhay estudyante nga naman!

~ Tok!! Tok!! Tok!! Tok!!

"Kian anak! Alam kong gising ka na. Diba first day of school niyo ngayon? Maligo ka na jan at maghahanda lang ako para sa almusal natin." Sigaw ni mama. Grabi naman to makakatok si mama. Hindi ba siya nasasktan sa lakas ng pakakakatok niya?

"Opo ma!" Sigaw ko rin kay mama. Bakit siya lang ba ang marunong sumigaw?

Kaya pumasok na ako sa CR at kinuha ko ang cellphone ko para magpatugtug. Nakasanayan ko na kasi yan.

Enemies  to Lovers Where stories live. Discover now