*Characters*

28 0 0
                                    

Ito na yung mga characters...mga main characters lang po ang nilalagay ko kasi nakakatamad kung lahat ng characters ang ilalagay ko..ang dami kaya nila..

Jullianne Laurice Bernardo - just imagine

(Isang simpleng babae at medyo may paka boyish. Parang hindi niya alam kung babae ba talaga siya oh lesbian. Kasi nagkakagusto rin siya sa mga babae. Pero sa pagkaka-alam ng iba ay boyish lang siya. Mabait kapag natutulog. Haha. Medyo masungit kung wala sa mood or meron. Hindi siya masyadong mayaman. Sakto lang. Hindi marunong mag ayos sa sarili. Pati pagtali ng kanyang buhok eh di niya magawa. Pero nang tumagal ay natuto na rin siyang mag ayus. Hindi din siya kaputi-puti. Hate niya ang magsuot ng DRESS at SHORTS. Haha. Marunong tumugtog ng gitara. Tapos marunong ding mag compose ng kanta. Sa totoo may kinopose na nga siyang kanta para sa kayang girlcrush. Hindi masyadong maganda ang boses. Hindi masyadong matalino haha. At napaka tamad lang haha.)

Khen Kian Tan - just imagine

(Isang napaka hangin na tao. Gwapo kasi half chinese at half pinoy. Mahilig mangtrip. Mayaman at siya ay isang gangster. Ang pangalan ng kanilang grupo ay 'The Black Knight'. Siya ang leader sa kanilang grupo. Siya ang pinakatamad sa kanilang grupo. Playboy siya pero nung napana siya ni cupido ayun biglang naging caring, loyal at higit sa lahat hindi na tamad. Grade 12 na siya ngayon.)

Khen Klode Tan - just imagine

(Isang simpleng lalaki. May paka nerd siya pero hindi niya pinapahalata. Sobrang talino hindi kagaya ng kanyang kakambal na tamad mag aral. Puro libro ang hawak kulang na lang baka makain nya yung libro kasi kahit na kumakain siya may hawak parin siyang libro. Haha. Kakambal nya ang leader ng gang na si Khen Kian. Grade 12 na rin siya ngayon. Syempre gwapo din at marunong sumayaw.)

Cherrie Ann Valdez - just imagine

(Isang simpleng babae na kahit anong isusuot ay bagay sa kanya. Maganda syempre. Hindi masyadong mayaman. Kaklase niya si Jullianne ngayon at bestfriend niya rin si Jullianne since baby pa lang sila. Hindi lang sila magkaibigan kundi magpinsan din sila. Kasi yung lola nya at yung lola ni Jullianne ay magkapatid kaya ayun. Maganda din ang boses. Mabait at napakasipag. Sobrang laki ng deperensya nila ni Jullianne haha.)

Shannie Liegh Park - just imagine

(Isang simpleng babae na para bang hulog ng langit dahil sa kanyang angking ganda. Maputi rin at tsaka sakto lang ang kanyang height. Haha. Matalino siya at mahilig magbasa ng wattpad. Akala mo sa una mahinhin pero pag nakilala mo na sobra palang madaldal. Mayaman siya at may dugong korean kasi yung mama nya half koreana at half pinay kaya ayun. Kaibigan niya si Jullianne. At higit sa lahat crush siya ni Jullianne. Grade 12 na siya ngayon at school mate sila ni Jullianne. Ang ganda ng boses parang anghel at sobrang bait din haha)

Sorry guys wala akong maisip kung sino ang ilalagay kong gaganap sa characters...kayo na lang po mag isip..haha..


♥DearCrush♥

Enemies  to Lovers Where stories live. Discover now