(Khen Kian's POV)
"Anak! Ang taas na ng lagnat mo!" Sabi ni tita kay Jullianne. Tapos hinawakan ko yung leeg nya at tama nga si tita ang init-init ni Jullianne.
"Jullianne!" May biglang sumigaw kaya nilingon ko sa baba tapos nakita ko siya! Halaaa! Tinignan ko si Jullianne pero wala na siyang malay kaya ako na mismo ang bumuhat sa kanya tsaka tumawag naman ng ambulance si tita. Habang naghihintay kami dito sa labas eh bigla niya akong kinausap.
"Ikaw?! Bakit ka nandito? Alam mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito?! Kasi palagi mo siyang binubully! Ang sama mo at hindi ka lang masama kundi makapal din ang mukha mo! Una mo pa nga lang akong nakita nun sinabi mo na agad na ikaw yung magiging SOON TO BE BOYFRIEND koooo?? Tapos ngayon nandito ka nanaman para manggulo sa kanya? Hindi ka na ba makuntento sa mga pinanggagawa mo?! Kung anong mangyaring masama kay Jullianne ikaw talaga ang sisisihin ko!" Mahabang salaysay niya sakin. Mag bestfriend talaga sila kasi kahit problema ni Jullianne alam na alam niya. Pero alam niyo, kahit galit na galit yung mukha niya ang ganda ganda niya parin talaga.
"Ano?! Wala ka bang ibang sasabihin jan? Tutulala ka l---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sumingit ako.
"Alam mo, parehas lang kayong dalawa ehh! An ingay-ingay niyo! Pasalamat ka na nga lang ehh dahil tumulong pa ako---" Hindi din natapos ang sasabihin ko dahil sumingit din siya sa pagsasalita.
"Aba kailangan lang! Kasi kung hindi mo siya tutulungan, mas magagalit ako sayo!" Sigaw niya sakin kaya tumahimik na lang ako.
"Wag na nga kayong mag-away jan! Hindi yan makakatulong kay Jullianne! At tsaka malapit na ang ambulance kaya mabuti pang mag handa na kayo." Sabi ni tita samin kaya napatahimik na lang kami.
Pagdating namin sa hospital, dinala si Jullianne sa isang kwarto pero hindi muna kami makakapasok. Kaya ang tanging nagawa na lang namin dito sa hospital ay magdasal na sana maging okay na si Jullianne.
Bigla namang sumulpot si ahh ano nga ba yungpangalan nya? Di ko pa pala alam ang pangalan niya basta bigla nalang siyang sumulpot tapos kinausap na niya naman ako. Aba! Iba na to ahh!! (Evil smile)
YOU ARE READING
Enemies to Lovers
Teen FictionThis story is about "Enemies to Lovers". Kasali din dito sa story na to ang storya about "Gangsters" kinombined ko na lang para mas masaya..at yun na nga sana magustuhan niyo..love yah all! <3 -nga pala first story ko po ito sana talaga magustuha...