(Jullianne's POV)
Nandito kami ngayon ng bestfriend ko sa canteen bumili ng snacks. Kahit na hindi naman ako gutom ay kain parin ako ng kain. Hayy sabi nila tumataba na raw ako. Naku naman mas lalo na akong pumanget neto. Bigla na lang pumasok sa isip ko yung lalaking yun. Hindi parin mawala sa isip ko yung lalaking yun. Yung ginawa niya sakin kanina nakakabwisit ng araw. Eh walang wala ako sa mood tapos anong ginawa niya!? Aiisshh!
"Hoy tulala ka jan! Iniisip mo parin ba si koyang gwapo? Naku masisira lang ang araw mo kung siya lang ang laman ng isip mo haha" sabay tawa ng malakas tong bruhang to parang wala ng bukas. Eh kasi naman eh!! Nakakabwisit talaga ng araw yung lalaking yun. At itong bestfriend ko naman palaging gwapo ang nasa isip. Kung hindi ko lang to mahal ehh. Hayy alam na alam talaga ako ng bestfriend ko. Kung anong problema ko na gets na nya agad na kailangan ko ng tulong niya. Kaya ko to mahal eh... EWWWW nakakarami na ako. Hahaha. Pero totoo talaga siya lang ang nakakaintindi sakin.
"Chee! Eh kasi naman ako pa talaga yung pinagalitan nya huh? Siya nga yung dapat tumingin sa daan ehh. Tapos nakita mo yung ginawa niya sakin? Tinabig niya yung kamay ko. Nakakainis! Eh sino ba siya? Isang hamak na TRANSFEREE lang naman siya!" Iritang irita kong sabi. Eh ang yabang2 ehh. Kung isumbong ko kaya siya sa principal. Ayy wag na lang baka ano pag masabi ko. At eto ako ngayon sa harapan ng bestfriend ko. Tulala siya haha. Ang kyut lang tignan na nanlaki ang mata niyang singkit haha.
O ___ O ~ bestfriend ko yan. Tulala pagkatapos kong sabihin na transferee yung lalaking yun. Eh hilig sa gwapo tong bestfriend ko eh. Haha.
"A- anong sa- sabi mo? T- transferee siya?" Tulalang sabi ni cherrie hehe. Naku ikaw talagang Cherrie blossom ka napaka adik mo sa mga gwapo. Nakakatawa ang itsura niya pero naiinis ako kasi ang laki lang ng ngiti ng bruhang to. Hayy!!
"Eh sa tingin mo ba't siya nandito? Hay magsama nga kayong dalawa." Sabay walkout sa kanya. Kasi naman ehh! Ang sarap lang nilang pag-uuntugin. Hayyy!! Pero syempre hindi ko yun gagawin noh. Mabait kaya ako. *wink!
Aalis na sana ako ng pigilan ako ng bestfriend kong adik sa gwapo. Wala ng ibang bukangbibig kundi pogi, gwapo oh kahit ano pa jan! Nakakasawa lang.
"Bakit ba!?" Irita kong tanong.
"Tignan mo yun oh!" Sabay turo sa mga gwapong lalaki na paparating dito sa kinatatayuan namin. Ang dami nila mga 12 ata? Papalapit na sila ng papalapit sa pwesto ko ay este namin pala. Parang may super glue ata yung paa ko kasi kahit hinihila na ako ng bestfriend ko eh hindi parin ako maalis sa pwesto ko. Naku naman Jullianne umalis ka na dyan! Nakaharang ka pa naman sa daan. Naku laking gulo nito!! 0__0
"Hindi ka pa ba tatabi jan?" Tanong ng lalaking nakabangaan ko kanina. Ang kyut lang niya. Nanlaki ang mata niyang singkit--- mali mali erase erase hindi ko dapat siya pinupuri. Laking gulo na ng ginawa ko. Naku naku naku. Eto na aalis na ako pero biglang.
~ Tooiinkk!
Naku naman! Bigla kasing bumuka yung sapatos ko. Parang nagugutom ata to. Ang malas ko ngayong araw na to. Ngayon pa ata nasira yung sapatos ko. Huhu pano na to? Nakakainis!
"WAHAHAHAHAHAHA!! HAHAHAHAHA!! YUNG SA--- HAHAHAHA PATOS MO! HAHAHA!" tawa ng tawa ang mga loko! Lalong-lalo na tong isa dito. Nakakatakot baka makain niya kaming lahat dito sa canteen. Ang laki kasi ng baba niya. Makatawa naman parang wala ng bukas ano!? Hayy.. nakakahiya naman to! Bakit ngayon pa nagloloko tong sapatos ko. Huhu
"HOY TUMIGIL NGA KAYO DYAN SA KAKATAWA!!" Sigaw ni Cherrie. Ayan pinagalitan ng bestfriend ko. Yan kasi.
"Bakit sino ka ba? Bestfriend ka ba ng babaeng yan? Parehas lang kayong dalawa. Tabi nga kayo!" At tinulak niya ako. Naku nakakarami ka na talagang gangster ka huh!! Hmmp! At wag na wag mong idadamay ang bestfriend ko! Pasalamat ka at hiyang hiya ako ngayon at hindi kita magawang sigawan dyan!
"Halikana jullianne aayusin natin yang sapatos mo" sabi ng bestfriend ko sabay hila sakin na hindi man lang sila tinignan. Nahihiya na ata tong bestfriend ko. Hinila niya ako papalayo sa lugar na yun. Alam niya talaga kung paano niya ako e-cocomfort. Tignan niyo naman oh hila lang siya ng hila muntik na akong madapa sa kakahila niya. Pero okay na rin yun para malayo na ako sa kanila.
Papalayo sa lalaking yun.
T __ T
"Okay ka na ba? Sorry ha kasi hindi kita naipagtanggol kanina. Eh kasi naman nahihiya kasi ako eh. Ang dami na kasing nakatingin satin tapos baka ano pang masabi ko sa kanila. At tsaka nadala kasi ako sa takot ko eh at hiya. Ang gu-gwapo lang kasi nila." Mahabang paliwanag ni Cherrie.
Mukha talagang gwapo tong bestfriend ko. Walang ibang masabi kundi gwapo. Kita ko sa mga mata niya ang concern niya para sakin. Hayy. Pano na to? Malapit na ang time para sa susunod naming subject. Tapos ganito pa yung sapatos ko. Ang malas ko ngayon araw. Huhu."A-aray! A-ng sakit! Ano yun?" Natigil ang pag-iisip ko ng makaramdam ako ng sakit. Sabay tingin sa tuhod ko na namumula dahil sa nangyari kanina. Nadapa kasi ako sa pagkatulak ng lalaking yun! Ang hapdi! Naku naman!
"Hala! May sugat ka. Pero hindi naman masyadong malaki. Tara bumili tayo ng gamot para sa sugat mo." Sabi ni Cherrie sabay gabay sakin na tumayo. "Oh sige" sagot ko sa kanya. Nandito na sana kami sa tindahan ng biglang.
~ Ringgg~ Ringgg~ Ringgg!!
"Hala nag ring na. Tara na pumasok na tayo sa next subject natin. Dali bilis baka malate tayo!" Sigaw niya at nagmamadaling tumakbo at iniwan ako. Wow! Bait ng bestfriend ko ahh iniwan ako! Wow lang!! Tapos bigla siyang bumalik sa kung saan ako nakatayo.
"Ang bait mo rin eh ano? Hindi mo ba nakita ang itsura ko? Tapos iiwan mo lang ako ng ganun ganun na lang!? Tignan mo naman yung sapatos ko oh! Yung paa ko! Maka sabi ka naman ng bilis. Hmmpp!!" Inis kong sabi sa kanya. Iiwan ba naman ako? Ang galing lang eh noh? Nakakairita na talaga. First day na first day of school minamalas na ako. Aiishh!!
"Sorry naman. Takot kasi akong malate eh. Oh sige na nga tara na-- oyy teka lang. Sorry na. Ikaw talaga di ka naman ma biro. Oy bestfriend sorry na naman oh di na mauulit pramis!" Binilisan ko kasi ang lakad ko kaya ayan siya sorry ng sorry sakin. Eh ang sakit pa kaya ng paa ko. Naku kung hindi ko lang mahal tong bestfriend ko kanina ko pa talaga siya sinapak. Hayyyyy.. ang sakit ng paa ko. Huhu ..
"Sa susunod kasi isipin mo naman ang bestfriend mo. Pano na lang kung mawawa ako dito sa mundo? Kawawa ka?" Pagbibiro ko sa kanya kasi parang maiiyak na kas siya ehh. Haha. Imbes na magalit ako eh nagpapatawa na lang ako. Bestfriend ko kasi ehh. Di ko matiis.
"Wag ka namang ganyan. Nagbibiro lang ehh. Pramis di na po mauulit haha" Sabay tawa naming dalawa. Baliw din to eh. Haha nalulungkot tapos biglang tatawa. Thankful talaga ako kasi may bestfriend akong kagaya niya.
Sana talaga hindi ko na makikita ang pagmumukha ng lalaking yun. Sana din talaga hindi siya transferee dito sa skwelahan na to. Kundi di lang ako ngayong araw mamalasin. Kundi 1 taon akong mamalasin. Hayyy!!
♥DearCrush♥
To be continue...

YOU ARE READING
Enemies to Lovers
Teen FictionThis story is about "Enemies to Lovers". Kasali din dito sa story na to ang storya about "Gangsters" kinombined ko na lang para mas masaya..at yun na nga sana magustuhan niyo..love yah all! <3 -nga pala first story ko po ito sana talaga magustuha...