*Chapter 4*

12 0 0
                                    

(Khen Kian's POV)

Nandito kami ngayon ng mga gangmates ko nagsta-stambay. Snack time pa naman ngayon so okay lang.

Completo kami ngayon. Nandito si Luke at Joseph naglalaro ng gadgets. Napaka-adik talaga nilang maglaro sa kanilang gadgets. Ang dami na nga nilang games na dina-download. Mga 20+ na ata yung games sa cellphone nila. Tss... Mga adik! Pero kahit na ganyan sila, mapag-kakatiwalaan din naman. Silang dalawa ang pinagkakatiwalaan ko sa pagre-research tungkol sa aming mga makakalaban kung malakas ba ang grupo na yun oh mahina. Gadgets naman kasi ang gamit.

Si Zyron, David at Mark naman ay nagprapractice ng marshal arts. Isa sila sa mga pinagkakatiwalaan ko sa labanan. Magaling kasi silang magmarshal arts kesa sa gumamit ng mga sandata. Kaya sila nasali sa grupo na to. Pero bago pa sila nakasali sa grupo, nakalaban namin silang tatlo ni Joseph, Luke, Daniel at Ericho. Lima sila nun at lima rin kami nun pero natalo namin sila. Mahina kasi sila sa marshal arts nun. Pero yung dalawang kasama nila ay magaling mag-marshal arts kaya kami ni Ericho nga kumalaban sa kanila. Pagkalipas ng ilang araw, nagulat na lang kami kasi pumunta silang tatlo sa lugar namin at akala namin makipaglaban sila. Susugod na sana si Luke nun ng biglang nagsalita si Mark. Sabi nya na sasali daw silang tatlo sa grupo namin. Nung una hindi kami naniniwala kasi di naman talaga kapanipaniwala. Pero palagi kasi silang pumumunta sa lugar namin kaya nang tumagal ay nakumbinsi rin nila kami. Maglilimang taon na sila sa grupo kaya nagsasanay silang mabuti ngayon. Seryoso silang nagprapractice dito. Ang saya lang nilang tignan.

Si Ralph at Clyd naman, parang mga bakla. Bwisit!

"Sorry nah! Promise di na mauulit." Si Clyd. Bakla!

"Hug mo muna ako!" Sabi naman ni Ralph sabay hug ni Clyd sa kanya. Bwisit tong dalawang to. Ang ayaw na ayaw ko kasi ay bakla kaya naiinis ako sa kanila. Noon kasi may nagkagusto sakin na bakla. Aiisshh!!! Sige na nga ipapakilala ko na silang dalawa sa inyo. Sila ang pinagkakatiwalaan ko sa paggamit ng sandata sa labanan. Magaling din naman silang magmarshal arts kaya ko sila sinali sa grupo. Pero bago sila nakasali sa grupo ay dumaan muna sila sa matinding training. Mag-aapat na taon na rin sila sa grupo ngayon.

Si Daniel naman ay nag-babasa ng libro. Siya ang pinakatahimik sa aming lahat. Mahilig siyang magsuot ng eyeglasses kahit hindi naman malabo ang mata niya. Kung may laban hindi siya magsusuot ng eyeglasses. Pero pagkatapos ng laban isusuot niya ulit ang eyeglasses. Wierd lang eh noh? Tsaka siya ang pinakamatalino sa aming lahat. Sa kanya nga kami magpapagawa ng mga assignments namin. Haha. Teka.  Tanong ko lang ha. Kung mag-susuot ba sila ng eyeglasses eh tatalino sila? Oh trip lang talaga nila? Hayy mga nerd mga weird. Tss.

Nandito rin sina Kyle at Ryan nagkwekwentuhan. Magkapatid silang dalawa. Mas matanda ng dalawang taon si Ryan kaysa ni Kyle. Sila naman ang pinagkakatiwalaan ko sa pagbalita kung sino ang susunod naming makakalaban at sila ang inuutusan ko para bumili ng mga sandata namin. Matatalino din sila pero MAS matalino si Daniel sa grupo namin. Nagpapagawa nga din sila ng assignments nila kay Daniel kahit na matalino naman sila. Haha. Bago pa lang sila sa grupo at mag tatatlong taon pa lang sila. Pero kahit na bago pa lang sila ay sobrang laki ng naitulong nila sa grupo. Hindi ko nalang sabihin kung anong tulong basta yun na yun malaki ang naitulong nila sa grupo. Haha. Sige sasabihin ko na kung bakit malaki ang naitulong nila sa grupo. Kung wala kasi kaming dalawa ni Ericho sa laban eh silang dalawa ang magmamanage sa grupo. Soon malalaman niyo rin kung bakit sila ang pinapa-manage ko.

Nandito rin ang unggoy na si Ericho. Nakakabwisit nga ehh kanina pa niya ako inaasar dito. Bwisit tong unggoy na to!

"Oy pre! Dumadamoves ka kanina ahh! Hahaha! Paturo naman dyan. Haha!" Tawa ng tawa ang loko. Baliw!!

Enemies  to Lovers Where stories live. Discover now