(3)

11 1 2
                                    

Tuwang-tuwa naman sila nanay at tatay nung dumaan si Dee dahil susunduin ako nito. Medyo natagalan nga sila sa pag-uusap habang ako naman ay nag-aayos ng aking sarili sa kwarto. Hindi na nga ako nag-abala pang mag-isip kung ano ang isusuot ko.

"Miyu, alam mong sa bar tayo pupunta diba?" sabi nito. Saglitan itong tumingin sa akin at ibinalik naman sa dinadaanan yung mga mata. "Mukha kang magsisimba," puna nito.

"Teka nga, hindi naman ako pumunta duon para ibalandra ang katawan ko. At tsaka gusto mo bang sampalin ako ng nanay ko," sumbat ko naman sa kanya. Pinasadahan ko naman ng aking mga palad ang pantalon na suot ko. "Maayos naman suot ko ah?"

"Masyado kang balot na balot. Kulang na nga lang kumutan mo sarili mo."

Napairap naman ako sa sinabi niya. Nagsusuot naman ako ng mga dress pero ibang usapan na kasi ang shorts. Mga shorts kasi ngayon puro butas at nakukulangan na sa tela.

"Anong gusto mo mag-bra't panty ako?" narinig ko naman itong tumawa sa sinabi ko. "Magmaneho ka na nga lang! H'wag mo nang pansinin yung suot ko," untag ko sa kanya.

Nakipag-kwentuhan naman ito tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi ko na binanggit ang manloloko niyang boyfriend dahil alam kong magdadrama na ito. Baka ma-aksidente pa kami kung sinimulan ko tanungin siya. Kaya mas minabuti ko na lang na kwentuhan siya ng mga nakakatawa na ginawa namin nung kabataan. Hindi ko na nga namalayan na malapit na kami sa destinasyon na pupuntahan namin. Napatingin ako sa labas nung nakita ko ang isang bar na makikita dito sa Taguig.

Pagkalabas namin sa sasakyan ni Dee agad naman nito hinila yung kamay ko. Imbis na pumila, dire-diretso lang kami sa loob dahil kakilala ni Dee ang may-ari ng bar na ito. Iba na talaga nagagawa kapag marami kang kakilala na mayayaman. Mayaman kasi ang pamilya nila Dee dahil ang daddy nito o tito ko ay may-ari ng isang malawak na plantation sa Laguna. Samantalang kami naman ay namumuhay bilang isang ordinaryong mamamayan.

"Let's go!" aya sa akin ni Dee habang hawak-hawak pa rin niya ang aking kamay. Dumiretso kami sa may bar sa loob nito at umupo sa stool. Lumapit naman agad sa amin ang bartender.

"Hi girls," pinakitaan naman niya kami ng isang matatamis na ngiti, "what drinks do you need tonight?"

"Give us your best tequila!" sigaw ni Dee at ngumiti sa aking gawi.

Napailing na lamang ako sa sinabi nito. Mukhang mapapasubok yata ako ngayon. Nakakaloka naman kasi itong pinsan ko kapag naglalasing.

Umayos ako ng upo at pinagmasdan ang mga nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Napangiwi naman ako ng may makita ako na nagha-hump na lalake sa isang babae. Diyos ko po.

"Are you new here?"

Napalingon naman ako sa gilid nung may lumapit sa akin. Kahit madilim, naaaninag ko ang mukha nito dahil sa mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa dance floor. Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa itsura ng lalaki na katabi ko. Isa lang ang masasabi ko... gwapo.

Teka nga, bakit ako ba ang kinakausap nito?

"Yes," sagot ko.

Tumango-tango naman siya't biglang tinungga ang alak sa basong hawak niya. Kita ko ang pagbaba't taas ng kanyang adams apple. Bakit ang sexy tingnan? Ay, diyosmiyo! Ano ba 'tong pinagsasabi ko.

"Baka matunaw ako niyan," sabi nito't may kapilyuhang sa kanyang mga tingin. Umiwas ako ng tingin para hindi mahalata ang pagkakahiya sa aking mukha. Narinig ko naman itong tumawa.

"Hi," napalingon naman ako sa pinsan ko na sumandal sa aking balikat habang tinitingnan niya yung lalaking katabi ko. "Interesado ka ba sa pinsan ko?"

Pangit Ba Ako? || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon