(11)

9 1 1
                                    

Buong gabi ako kinukulit ni Dee na magkwento tungkol sa amin ni Sir Ram. Pero natuwa ako sa inakto ni Sir kanina dahil napaniwala niya ako na chivalry is not dead. Oo na, medyo kinilig ako. Nako, Miyu!

"Baka naman nililigawan ka ni Ram ng hindi mo lang inaamin sa akin?" pangungulit na naman ni Dee.

Magkasama kami ngayon sa kwarto ko dahil dito na naman daw siya matutulog. Nalulungkot daw kasi siya sa bahay nila kasi naalala lang daw niya yung ex-boyfriend niya. Ewan ko ba sa babae na ito, mas malaki pa nga kwarto niya sa akin tapos gusto pa niya magsiksikan kami dito. Baliw talaga.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na wala nga. Ang kulit mo din ano?" Hinubad ko yung pangtaas kong damit at sinuot yung pambahay ko na t-shirt. Hinagis ko naman sa kanya yung damit ko para manahimik na. "Masyado mo kasi pinapaniwalaan yung mga nakikita mo sa internet. At tsaka, magsasabi naman ako sa'yo kung meron."

"Ano ba yan! Kailangan talaga ihagis sa mukha ko."

"Para manahimik ka," asik ko at pinaningkitan siya ng mga mata. "Teka nga, h'wag na nga natin pag-usapan yung nangyari sa akin. Eksena mo 'to eh. Nagmadali pa akong umuwi para lang makinig sa kadramahan mo."

"Epal ka! Pinaalala mo pa!"

Nagpaalam muna ako sa kanya na magbabanyo at mamaya niya na ituloy ang drama niya. Inayos ko lang ang aking sarili. Nagsipilyo't naghilamos. Nagpalit na din ng pang-ibabang damit. Pagkatapos bumalik na din ako sa kwarto.

Nadatnan ko si Dee na nakahiga na sa higaan ko habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. Sino naman kausap nito? H'wag niyang sabihin na nagkabalikan na naman sila ng manloloko niyang ex.

"Sino naman yang katext mo?" Bungad ko sa kanya na ikinagulat naman niya.

"W-wala! Kausap ko lang yung friend ko," depensa niya.

Lumapit ako sa kanya at agad na dinukot ang cellphone sa kanyang kamay. Agad kong tiningnan yung pangalan. Hinablot niya yung cellphone niya sa kamay ko pero hindi ko pa rin sukat-akalain na katext na naman niya yung manloloko niyang ex.

"Sabi na nga ba! Tama hinala ko!"

Tinago niya yung phone niya at sumandal sa headboard ng higaan ko.

"I couldn't help it, okay! Oo na, tanga na naman ako. Martir na kung martir pero mahal ko pa din kasi siya, Miyu. So tell me, paano ko siya kakalimutan ng basta-basta kung mahal ko pa din si Nicco?"

Sumandal ako sa headboard at bumuntong-hininga. "Buti alam mong tanga ka. Hindi talaga kita ma-gets. Ang labo kasi. Mahal mo nga pero ang tanong, mahal ka ba? Sigurado ka bang totoo yang pagmamahal niya sa'yo ha? Please know your worth, Dee. You're not just an option, you're an exception."

"Grabe ka talaga magsalita. Alam mo, minsan gusto kong mainis at magalit sa'yo pero dahil mahal kita at alam kong inuumpog mo lang ako sa katangahan ko, hindi ko kayang gawin. Miyu, desisyon ko naman ito. Kung magkamali o masaktan man ako, ako na bahala doon. I chose that," malumanay niyang sagot. "But shocks! Yung last sentence mo. Big word!"

"Bahala ka na nga sa buhay mo! Buhay mo yan. Kung saan ka sasaya, support na lang ako. Pasalamat kang mahal kita!" Hinampas ko siya ng unan.

Napuno ng tawanan at asaran ang kwarto dahil sa amin ni Dee. Minsan naman nagkukwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay. Sa buhay, in general. Naisip ko nga na bakit pa siya tumatagal kay Nicco? Kung tutuusin, ang swerte pa nga ni Nicco sa pinsan ko. Maganda, mayaman, matalino at mabait si Dee. Full package na nga tapos itong Nicco na 'to niloloko lang yung pinsan ko. Ito namang si Dee, marami namang lalaki na nagkakadarapa sa kanya. Ganito ba talaga pag naiinlove ang isang tao? Nakakatakot pala.

Pangit Ba Ako? || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon