(6)

13 0 0
                                    

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayon o hindi. Masaya dahil ako ang isinama ni Miss Loreinne mag-obserba ng mga aplikante sa kanilang interview ngunit napipigilan ang saya ko dahil si Sir Ram ang interviewer ng mga aplikante.

"What do you think about that guy, Cereza?"

Napaitlig naman ako nung tinanong ako ni Miss Loreinne. Tiningnan ko naman yung lalakeng tinitingnan niya. Ito yung ang lakas ng kumpyansa sa sarili na halos lahat yata ipinagmalaki. Ang hangin masyado para tuloy kaming binabagyo nung mga oras na siya ang iniinterbiyu.

"Honestly, hindi ko po siya gusto," sambit ko habang nakatingin pa din sa lalake na ngayon ay prenteng-prente umupo sa gilid kasama ang ibang mga aplikante. Kung titingnan mo siya ngayon, ramdam na ramdam mo pa rin ang ka-preskuhan nito sa sarili. Para siyang habagat kung tutukuyin ko ito. "Masyado pong kampante na makakapasok siya, Miss Loreinne," dugtong ko at lumingon sa kanya na ngayon ay nakangiti sa akin.

"You're observation is good," puri nito sa akin.

Nagpasalamat naman ako rito at pinagmasdan ang mga aplikante na nakatayo sa gitna. Ang sabi sa akin ni Miss Loreinne, mas gusto daw kasi nila na sabay-sabay iniinterbiyu ang mga aplikante dahil dito daw makikita talaga ang ugali nila. Dito mo mapapansin kung sino ang nagmamagaling o sadyang magaling, hindi sanay o walang kumpyansa sa sarili. May purpose ang mga nanonood at nakikinig sa kanila dahil dito din nakikita kung kaya ba nila ang ma-pressure.

"Interview, adjourned," ma-awtoridad na sambit ni Sir Ram.

Umalis naman na ito sa kinauupuan niya at lumabas na ng kwarto. Nakita ko naman na nakahinga ng maluwag yung mga ibang aplikante nung nakaalis na si Sir. Kahit ako ay nakahinga din ng maluwag.

"Kunin mo yung mga resumés at idala mo sa department natin," utos ni Miss Loreinne bago ito naunang umalis.

Isa-isa na din nagsilabasan ang mga aplikante habang inaayos ko yung mga dokumento sa ibabaw ng lamesa. May napansin naman akong ballpen na itim na may nakaukit ng buong pangalan ni Sir Ram sa dulo. Imbis na iwan, kinuha ko na lang ito. Bitbit-bitbit ang isang makapal na folder, inisip ko na puntahan muna si Sir sa 9th floor para maibalik ko itong ballpen niya. Halata naman kasing mamahalin itong ballpen at baka ito yung ginagamit niyang pampirma sa mga dokumento kaya baka hanapin niya ito.

Pagkarating ko sa 9th floor, medyo nagulat na naman yung sekretarya sa akin dahil pangatlong balik ko na daw sa opisina ni Sir.

"Hindi ko din naman inaasahan na makabalik pa ulit ako dito," sagot ko rito na ikinatawa naman niya. "May ibabalik lang naman ako na baka importante sa kanya," dugtong ko.

Pinindot niya yung intercom para sabihin na may importanteng ibibigay daw kay Sir Ram na galing sa isang empleyado. Mabuti nga't hindi binanggit ang pangalan ko nitong sekretarya niya.

"Pwede ka na daw pumasok," sabi nito sa akin.

Nagpasalamat naman ako rito at binuksan na ang itim na pintuan. Dinungaw ko muna ang aking ulo para tingnan kung may tao ba itong kausap sa conference area at nung makita ko na wala, pumasok na ako sa loob. Lumingon ako sa may personal office ni Sir at napansin kong may kausap itong tao. Hindi ko naman ito makita dahil hindi naman ganoon kalinaw ang glass window ni Sir.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan nito.

"Pasok."

Sumilip at pumasok ako ng bahayga, nakita ko naman na lumingon sa akin yung taong kausap niya. Hindi ko napagpatuloy ang paghakbang papasok sa loob nung makilala ko yung taong ito.

"Hey, Miyu," bati ni Vincent sa akin na nakangiti. Hindi ko ito sinagot bagama't ay nginitian ko lamang siya.

"Uhm, Sir," panimula ko at pumasok na sa loob ng opisina niya pero tumayo lang ako sa may gilid ng pintuan. Nakatingin lang ito sa akin na walang ka-emosyong emosyon sa mukha.

Pangit Ba Ako? || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon