(4)

13 2 0
                                    

Nalaman ko naman kung ano ang naging excuse ni Sir kay Miss Loreinne dahil sa pag-absent ko. Sinabi lang naman nito na may pina-encode sa akin na mga documents kaya hindi na daw ako nakapasok kahapon.

"Marami ba pinagawa si Sir sa'yo kahapon?" tanong sa akin ni Julian habang kumakain kami sa isang fast food chain.

"Ah-eh, oo?"

Ito yung problema kapag hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung paano magsasabi ng alibi lalo na kung hindi ko alam kung ano yung inencode ko na ginawang palusot ni Sir sa akin sa department ko. Magiging makasalanan yata ako ngayong araw.

"Ilang documents ba iyon?" tanong naman ng isa kong kasamahan.

Ilang documents nga ba iyon? Malay ko kung ilang dokumento ang pinagawa sa akin! Baka kasi magtaka sa akin ang mga ito kung hindi ko alam ang mga pinagsasagot ko sa kanila.

Miyu, just act natural. Anong silbi ng pagtatapos mo ng Psychology kung hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo?

"Hindi ko na nga nabilang kasi ginabi na ako ng tapos mag-encode sa mga documents na binigay sa akin ni Sir," sagot ko.

"Ganoon ba? Dapat sinabihan mo man lang ako para natulungan kita kahapon," singit naman ni Julian. Ngumiti naman ako sa sinabi niya dahil nakikita ko ang sinseridad sa pagkakasabi niya.

"Nako, okay lang! At tsaka tapos ko na din naman," palusot ko.

Hindi na nila ako tinanong kaya nagpatuloy na kami sa pag-kain ngunit maya maya pa'y nagsalita ang isa naming kasamahan nung may matandaan ito.

"Alam mo ba, nakakagulat yung pagpunta ni Sir sa department natin kahapon," lahat naman sumang-ayon sa sinabi niya. Kahit ako ay nagulat din sa sinabi niya. Sumimsim ito sa kanyang juice at tumingin uli sa amin, lalo na sa akin. "Siya din mismo ang nagsabi sa amin lahat kung bakit ka absent. Wala kasi si Miss Loreinne sa office niya nun dahil may pinuntahan ito sa ibang department. Kaya medyo naintriga talaga ako. Matanong nga, Miyu, magkakilala ba kayo ni Sir personally?"

Nasamid naman ako sa biglaan tanong ng babae sa akin. Agad naman ako umiling bilang sagot.

"Talaga lang ah?" makahulugan naman ako nito tiningnan.

"Alam mo ikaw, Jessie, isyu ka talaga 'no? Tigil-tigilan mo nga si Miyu. Hindi mo ba naisip na baka si Sir na mismo ang nagsabi sa atin harap-harapan dahil maraming pinagawa ito kay Miyu," depensa naman nung isa.

Natuwa naman ako dahil hindi na kumontra pa si Jessie ngunit inirapan lang niya yung babaeng dumepensa sa akin. Kahit kelan talaga hindi mawawala sa opisina ang chismosa at maintriga sa lahat ng bagay.

Bumalik na kami sa opisina pagkatapos namin kumain. Isa-isa ko naman pinasalamat ang mga sumama sa amin na kaibigan ng mga kasamahan ko sa ibang department.

Pagkasalampak ko sa upuan, nakuha agad ng pansin ko ang makapal na mga dokumento sa ibabaw ng lamesa ko. Kinuha ko naman yung sticky note na nakadikit sa pinakatuktok na papel at binasa ito. Arrange all this resumés by alphabet...

Sinimulan ko naman agad ang pag-aayos. Tumitigil-tigil ako ng panandalian kapag sumasakit ang mga mata ko. Hinihiwalay ko naman yung mga nakapasa at hindi nakapasa. Halos umabot ako ng dalawang-oras sa pag-aayos.

"Tapos mo na ba, Miss Cereza?" tanong sa akin ni Miss Loreinne na ngayon nakatayo sa harap ng table ko at may dala-dala na makapal na mga dokumento.

"Yes po, Miss."

"Next batch," sambit nito at ipinatong ang makapal na mga dokumento sa ibabaw ng table. "May next batch pa pagkatapos niyan," dugtong nito at ngumiti.

Pangit Ba Ako? || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon