(1)

20 2 0
                                    

"Hindi ko alam kung saan ba ako nagkamali, Miyu. Sabihin mo nga sa akin kung anong dapat kong gawin," tanong sa akin ni Dee.

"H'wag kang martyr. H'wag kang magpaka-tanga."

"Aray naman! Diretsahan talaga?" Angal niya habang sumi-singhot singhot pa dahil sa kakaiyak.

Pinuntahan ako ng pinsan ko sa bahay dahil may problema siya sa buhay, at iyon ay ang problema sa relasyon nila ng boyfriend niya. Ang boyfriend niyang manloloko kaso itong pinsan ko masyadong martyr. Bigay ng bigay ng chance.

"Alam mo, mali na kasi yang ginagawa mo. Hindi na healthy yan," pagpapatuloy ko. "Adjust ka ng adjust, ano ka timer? Dee naman, sinabi ko naman sayo simula pa lang na wala na akong tiwala sa boyfriend mo. Tingnan mo nangyari... tama ako. Ilang beses ka na ngang niloloko. Ikaw naman 'tong bigay agad kapag nagsorry at nilambing ka."

"Hep! Teka nga! Mas nasasaktan pa ako sa sinasabi mo keysa sa problema namin ng boyfriend ko," angal niya habang naka-kunot yung noo akong tinitingnan.

"Nasasaktan ka kasi totoo. Kung ako sa'yo, hiwalayin mo na lang yang boyfriend mo."

Tumayo ako sa lapag at pinagpag ang puwetan ng aking shorts. Naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng makakain namin. Narinig ko naman na sumunod ito sa akin. Binuksan ko yung refrigerator at tiningnan kung may pagkain o pwede namin miryenda.

"Alam mo naman na mahal na mahal ko si Nicco."

Dumungaw ako kung nasaan si Dee at pinaningkitan siya ng mga mata. Hindi ko kasi maintindihan 'tong babae na ito. Mas lalo lang niya pinapalaki yung problema niya.

Ibinalik ko yung mga tingin ko sa loob ng refrigerator at kinuha yung potato chips pati juice. Isinara ko yung pinto at pumunta sa lamesa para ibaba yung mga dala ko.

"Ewan ko sa'yo, Dee. Pinipigilan ko lang yung sarili ko na iumpog ka sa pader para matauhan ka," sabi ko habang sinasalinan ko ng juice yung baso niya, "At tsaka, hello? Marami pang lalaki sa mundong tinutungtungan mo. H'wag kang magpaka-tanga sa isa."

"Hindi mo pa kasi nararanasan ang ma-inlove kaya ganyan ka magsalita," kontra niya kaya napatigil ako sa pag-inom ng juice. Kita sa mga mata ni Dee ang luhang bumabadya na namang tumulo. "I invested all my time, even myself to him. I loved him too much kaya ako ganito. Kaya hirap akong hiwalayan siya dahil alam kong kapag nawala siya sa'kin, hindi ko na din alam kung paano mabubuo yung mundong binuo niya mismo."

Umupo ako ng maayos at iniabot yung tissue sa kanya. Kumuha naman siya at ipinahid sa mata niya dahil umiiyak na naman ito.

"Dee, gusto ko lang naman makita mo yung point ko. Ilang beses mo na ba siya binigyan ng chance si Nicco? Pero sa bawat chance na 'yon, ginawa na naman niya yung mali. Sinasaktan ka lang niya ulit. Hindi ka ba nagsasawa sa ganoon? Ikaw yung parating nasasaktan. Maawa ka naman sa sarili mo."

Bumuntong-hininga siya at uminom ng juice.

"Gets ko yung point mo..."

"Kaso? Nahihirapan ka? Mahal na mahal mo kasi? Sobrang martyr at tanga mo sa boyfriend mo?" Pagpapatuloy ko sa sinabi niya.

Sinamaan niya ako ng tingin at umirap. Bumuntong-hininga ulit siya. Ginulo niya yung buhok niya bago siya tumingin sa akin.

"Oo na! I'm hopeless," angil niya. Kinuha niya yung potato chips at dumiretso sa may sala.

Tumawa ako ng bahagya sa inakto nito. Sumunod na din ako sa kanya pagkatapos ko ilagay sa lababo yung dalawang baso. Nakita ko siyang nakadapa sa sofa, nakalaylay ang isang kamay, at pinapadyak-padyak pa ang mga paa.

Pangit Ba Ako? || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon