(7)

11 1 0
                                    

Para akong bagong labas na design ng isang brandend the cellphone na pinaguusapan at pinagpipyestahan ng mga tao. Diyos ko po! Mas gugustuhin ko na lang na hindi ako utusan sa labas ng department ngayon. Walanghiyang lalake 'yon! Bwisit siya! Ang sarap ilublob sa mainit na tubig!

Paano ba naman kasi, iwanan ba naman ako sa tapat ng building ng opisina. Pagkatapos niya ako hilahin papalabas at pinagbuksan ng pinto ng kanyang kotse tapos iiwan na lang nakatayo. Nakakaloka ah!

At ayun, yung mga tenga ng mga empleyado parang nagliliparan na ibon. Kalat na kasi sa buong opisina ang nangyari kanina! Kaya diyos ko, kapag nakita ko talaga yung lalake na iyon makakatikim talaga siya sa akin, wala na akong pake kung mapatalsik ako sa trabaho.

"Miss Cereza, in my office," tawag sa akin ni Miss Loreinne.

Ibinaba ko yung mga dokumento na hawak ko sa ibabaw ng lamesa bago ako tumayo at inayos ang damit. Bigla na lang ako kinabahan dahil tinawag ako ni Miss. Pakiramdam ko may ginawa akong sampung violations na kailangan kong panagutan.

"Please, take a seat," inilahad niya yung upuan na nasa harap ng table niya. Dahan-dahan akong umupo rito at nagpakawala ng isang malalim na hininga. "I heard this news about you and Sir Madrigal are having a relationship..."

"Miss, wala po 'yon!" agad kong protesta.

"I know you're telling the truth and I trust you, Miss Cereza," mahinahon nitong sambit bago ako binigyan na sineridad na ngiti. "But, if anything is going on between you and Sir Madrigal, I won't ask any question about it. Ang sa'kin lang, be discreet with your private life. H'wag dito sa opisina."

"Hindi na po mauliit," sagot ko. Hindi na talaga mauulit!

Pinaalis na ako ng opisina ni Miss Loreinne na hindi na ako tinanong pa. Buti pa si Miss, hindi tsimosa at intragera, hindi katulad ng mga ibang empleyado dito. Kulang na lang ilagay nila sa dyaryo yung nadiskubre nilang balita.

"H'wag mo na lang sila intindihin, Miyu. Hindi naman sila ang nagpapakain sayo at nagbabayad ng bahay mo," bulong ko sa sarili ko para maibsan ang inis sa sistema ko.

Sakto naman ako nakauwi sa bahay dahil naghahain na si nanay ng pagkain sa kusina. Buti na nga lang hindi ko na nakasalubong yung impaktong boss ko kung hindi baka kung ano pa ang masasamang salita ang masabi ko sa kanya.

"Goodevening po," untag ko at nagmano kay nanay at tatay.

"Saktong-sakto uwi mo. Umupo ka na dyan at kumain na," sambit ni nanay habang nilalapag ang tatlong baso sa ibabaw ng lamesa bago ito umupo sa upuan niya.

Nagpasalamat muna kami sa Diyos para sa pagkain na meron kami ngayon bago kami kumuha rito. Tuwang-tuwa nga ako dahil ang masarap na dinuguan at laing ang putahe namin ngayon. Ito kasi ang paborito kong ulam na luto ni nanay.

"Kamusta naman ang araw mo, nak?"

"Okay naman po, tay. Nakakapagod," aniya ko at natawa naman sila.

"H'wag mo papagurin masyado ang sarili mo, anak," nagaalalang sabi ni nanay at hinawakan ang ibabaw ng aking kamay. "Mahirap na kung mapano ka sa sobrang pagod."

"Opo, nay," paninigurado ko sa kanya bago ko ipinatong naman ang isa kong kamay sa kamay niya. "Kayo nga pong dalawa ang dapat pinagsasabihan ko niyan," pa-iling kong sumbat at ngumiti.

"H'wag mo kami alalahin dahil kaya na namin ang sarili namin," bungad naman ni tatay.

Ako na ang nagprisintang maghugas ng mga pinggan para makapag-pahinga na silang dalawa. Masaya ako dahil kahit nagtatrabaho sila nanay at tatay, hindi nila kinalimutan ang maging mabuting magulang sa kanilang nag-iisang anak. Alam ko na pagod sila araw-araw dahil halata sa kanila ngunit hindi nila ito pinapakita. Ngayon, may hanap-buhay na ako, gusto kong makatulong at makabawi naman sa kanila. Kahit nung isang mag-aaral pa lang ako, ginawa ko ang lahat para hindi maging pasaway na anak. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral. Si Dee lang ang naging kaisa-isang kaibigan ko simula pagkabata hanggang sa naging bente-anyos na kami. Siya na din ang tinuring ko na kapatid at best friend. Nagtataka siguro kayo kung bakit siya lang ang naging kaibigan ko? Sa totoo lang, gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan pero hindi nila kinakaya ang pagiging prangka ko... dati. Ngayon, kaya ko na kontrolin ang pagiging prangka ko. Kaya siguro walang tumatagal sa akin.

Pangit Ba Ako? || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon