(8)

8 0 0
                                    

Ninenerbiyos akong pumasok sa opisina ngayon dahil baka may makasalubong kasi akong tagahanga ni Sir Ram sa kalsada. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Tutal naman mamaya kakausapin ako ni Sir Ram tungkol rito. At sigurado ako, pagkatapos namin mag-usap magkakaroon kami ng kasunduan na lilinisin niya ang aking pangalan. Kaso iba talaga. Weird man pakinggan pero mukha akong baliw ngayon dahil pakiramdam ko hinuhusgahan ako ng bawat tao dahil sa tinatapon nilang mga tingin sa akin. O baka naman napapatingin lang sila? Diyos ko, nagiging assumera lang yata ako ngayon!

Sinadya ko talaga na maaga ako pupunta ng opisina. Literal na hindi pa sumisikat ang haring araw ay nandoon na ako sa tapat ng opisina. Alam niyo na, iwas sa tao.

"Nag-almusal na ba kayo, Ma'am? Maaga po kasi kayo dumating dito, e," tanong sa akin ng guard na ikinagulat ko.

Babawas-bawasan ko nga muna ang pag-inom ng kape.

Tumingin ako kay kuya guard at nginitian ito. "Ahh o-opo, kumain na po ako," sambit ko kahit ang totoo'y hindi pa talaga.

Lumipas ang kalahating oras bago tumirik na ang haring araw. Isang oras din ang hinintay ko pa bago buksan ang pintuan sa department namin. Laking pasasalamat ko nga ng hindi pumasok ng maaga si Jessie. Ang babaeng intragera.

Inaayos ko ang mga gamit sa ibabaw ng aking lamesa. Pumunta ako sa storage room para kuhanin ang mga hindi ko pa natatapos gawin na mga dokumento. Buti nga bukas pa ang deadline ng mga ito. Nung dumaan si Miss Loreinne sa tapat ng lamesa ko, agad ko naman ito kinausap at sinabi ko sa kanya tungkol sa pakikipag-usap ko mamaya kay Sir Ram. Pinayagan naman ako nito dahil mukha naman daw importante yung pag-uusapan namin.

Kung alam mo lang kung gaano importante ito, Miss!

Nagpasalamat ako rito at bumalik na sa puwesto ko at ipinagpatuloy ang page-encode ko sa mga dokumento. Habang nagpapasa ng mga email sa email ng mga aplikante, bigla na lang ako naka-receive ng email.

From: Mr. Ram Vincenzo Madrigal, CEO of VM Telecom.
Come to my office in less than 5 minutes.

Halos matumba ako sa kinauupuan ko sa sinabi ni Ram. Napatayo naman ako kaagad. Kailangan talagang orasan ako? Maloko siya ah! Hindi naman meeting na kasama ang board members ang gagawin namin.

"Miss, pinapapunta na po ako sa 19th floor," sabi ko kay Miss Loreinne na nakatingin sa akin dahil sa gulat nung tumayo ako ng biglaan. Tumango naman ito nung matauhan. "Thank you po."

Nagmadali akong lumabas ng department namin. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa elevator. At kung mamalasin ka nga naman oh... ang haba ng pila. Diyos ko naman!

Binalingan ko ng tingin ang aking relos. Nanlaki ang mga mata ko dahil may tatlong-minutos na lang akong natitira. Lahat yata ng santo ay nanalangin ako para mapabilis ang galaw ng elevator para umiksi na ang pila. Kaso wala na akong oras! Wala na akong choice kundi ang sumingit papuntang harapan. Hinarangan ko ang papasara na elevator gamit ang aking kamay para bumukas ito ulit.

"Miss, pwede ako muna mauna? Kailangan na kailangan na talaga ako sa 19th floor. Please?" pagmamakaawa ko pero inismiran lang ako nito.

"Nagmamadali din kasi ako," sagot nito.

"Please, kahit isa man lang sa inyo oh. Mapapatay kasi ako ni Sir Madrigal..." bigla ako nakaisip ng ideya para mapapayag ko mga 'to, "kailangan ko kasi maipasa yung salary report niyo. Sige kayo, baka maawasan ang sweldo niyo," pananakot ko. Para sa kalinisan ng pangalan ko!

Natuwa naman ako dahil halos lahat nagsilabasan ng elevator. Nagpasalamat at humingi na din ako ng paumahin sa mga ito. Minadali ko yung pagpindot sa 19th floor dahil pakiramdam ko na mas makakabilis ito ang andar. Kaya ng makarating ako sa pinaka-tuktok na palapag, kulang na lang maging atleta ako sa track and field. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa sekretarya nito na kung pwede pumasok dahil wala na akong oras.

Pangit Ba Ako? || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon