CHAN MI'S POV👩
Papunta kami ngayon ni Hye Shin sa school. Wala si Kevin, ano kayang nangyari sa kumag na yun?😑
Hye Shin: Himala, wala ngayon si lover boy.😂
"Lover boy ka dyan.😑"
Hye Shin: 5months na ang nakalipas, SS parin kayo sa friendship niyo. Kailan kaya magle-level up yan?😕
"Ano ka ba magkaibigan lang kami.😑"
Hye Shin: Hindi pwede yan, dapat ako lang ang kaibigan mo. Ang bagay sa kanyang posisyon dyan sa buhay mo ay ang maging boyfriend mo.
"Eto ka na naman, kinukulit mo na naman ako sa kanya."
Hye Shin: Kukulitin kita ng kukulitin hangga't hindi ka nakikinig sa'kin at hangga't hindi mo inaaming may gusto ka na sa kanya.😑
"Eh wala nga talaga eh, alangan namang pilitin ko ang sarili ko.😑"
Wala nga ba talaga? Hindi ko rin alam kung ano talaga ang nararamdaman ko eh, basta ang alam ko lang masaya akong kasama siya, at komportable ako sa kanya.
Hye Shin: Grabe ka naman. Wala talaga?😑
"Wala nga eh, 'wag mo na nga akong kulitin. Yang boyfriend mo ang pagtuunan mo ng pansin at baka ipagpalit ka nun sa iba.😑"
Hye Shin: Hindi mangyayari yun nuh, mahal kaya ako nun.😊
Dumating na kami sa school, pagpasok ko sa room may note sa table ko. "Punta ka sa rooftop ngayon, please." Bigla akong kinabahan, habang papalapit ako sa rooftop mas lumalala yung kabang nararamdaman ko. Nasa rooftop na ako, may parang aisle tapos may mga petals sa sahig,
then may nakasulat "Tingin sa taas" May isang tarpaulin na nakatali sa mga balloons at may nakasulat na "I LOVE YOU CHAN MI" then nakita ko si Kevin na may dalang bulaklak, lumapit siya sa'kin.
"Kevin, ano 'to?😑"
Kevin: Chan Mi, mahal kita, simula pa noon, hindi ko alam kung bakit, pero yun ang sinasabi ng puso ko, nagsimula 'to nong una tayong magkabangga, magmula nun, hindi ka na mawala sa isip ko, lagi kang hinahanap ng mga mata ko, sobrang saya ko nong maging malapit na ako sa'yo. You've completed my life Chan Mi, and I hope bigyan mo ako ng chance to be part of your life as your boyfriend, please?
"Kevin alam mo namang ayaw ko sa commitment diba?"
Kevin: Hanggang kalian ka ba matatakot Chan Mi?
"I'm sorry Kevin." Then umalis na ako.
Totoo bang nangyayari 'to? How I wish na sana panaginip nalang ang lahat ng 'to. Bumalik ako sa room at kinuha ko ang mga gamit ko, umuwi ako sa bahay. Maya maya tinawagan ako ni Mommy, naramdaman niya yatang hindi ako okay.
Mommy: Is everything okay anak?
"Mom, bakit ganun? May taong nagtapat sa'king mahal niya raw ako😭"
Mommy: Anong bakit ganun? Dapat nga matuwa ka, na may taong nagmamahal sa'yo. Eh ikaw ba? Mahal mo ba siya?
"Hindi ko po alam, basta ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko siya at comfortable ako sa kanya."
Mommy: Eh ganun naman pala, bigyan mo ng chance.
"Binusted ko na po eh. Natakot po ako, baka saktan niya lang ako. T_T"
Mommy: Anak, part ng pagmamahal ang masaktan. I know nagkakaganyan ka dahil sa ginawa ng Daddy mo sa akin, anak you should know how to move on, at dapat kung saan ka masaya yun dapat ang sinusunod mo, 'wag kang manatiling puro takot lang ang nasa isip. Tingnan mo ako, I've been hurt, but I've moved on and I choose to love again. At naging masaya ako sa desisyon ko. Anak, kung masaktan ka man, it's not the end of everything, you have the chance to start a new life. Ang importante kahit papano naging masaya ka sa piling ng taong minahal mo.
"Do you think makakaya ko?"
Mommy: I know kaya mo, you're a strong girl. But as of now, 'wag mo munang pangunahan ang panahon, you have to enjoy the time na kasama mo siya.
Pagkatapos naming mag usap ni Mommy, nakatulog ako.
YOU ARE READING
What Is Love?
Fiksi PenggemarAll of us wants to love❤😍 and be love❤😘 in return.But there are some, who doesn't want to love🙅❤, in order for them not to get hurt💔. Kagaya na lamang ni Chan Mi, ayaw niyang magmahal😍🙅 dahil ayaw niyang masaktan😭. Ayaw niyang matulad sa Mom...