C13 The Trials

10 2 0
                                    

CHAN MI'S POV

Lumipas ang mga araw na hindi ko na nakikita si Yixing hindi narin siya pumapasok, hindi na siya nagtetext at tumatawag sa’kin, nagtaka ako kasi pati si Seo Young hindi na pumapasok, tinanong ko yung mga kaibigan ni Yixing kung alam ba nila kung bakit hindi na siya pumapasok pero hindi rin nila alam kaya naisipan kong pumunta sa bahay nila. Yung maid nalang nila ang nandun.

Ate Rowena?😊”

Ate Rowena: Oh Chan Mi? Halika pasok ka, ang tagal mo nang hindi dumadalaw dito.😊

Pumasok na kami at umupo sa sala
.
Ate Rowena: Napadaan ka yata.😊

“Ah, bibisitahin ko lang po sana si Yixing.😊”

Ate Rowena: Iha wala na rito sina Young Master, bumalik na silang lahat sa China, hindi niya ba nabanggit sa’yo?

“Hindi po eh. Bakit po sila umalis?”

Ate Rowena: Para sa kasal ni Young Master at ni Seo Young. Nalungkot nga ako eh, dahil ikaw ang gusto kong mapangasawa ni Young Master.😞

Parang sumabog ang puso ko sa aking narinig, bakit hindi niya manlang sinabi sa’kin na itutuloy pala niya ang kasal nila ni Seo Young dapat sinabi manlang niya sa’kin nang sa ganun hindi ako mag mukhang tanga ng ganito. T_T

Ate Rowena: Naaawa nga ako kay Young Master eh, dahil kinukulong nalang siya dito sa bahay, yung cellphone naman niya kinuha sa kanya ng Daddy niya, hindi naman siya makatakas dahil maraming mga security guard ang nakabantay dito sa bahay, wala rin namang magawa ang Mommy niya. Laging nagkakasagutan si Young Master at ang Daddy niya, lagi niyang sinasabi na ikaw ang pakakasalan niya at hindi si Seo Young, pero ayaw makinig ng Daddy niya dahil hindi ka raw Chinese at hindi ka makakatulong sa business ng pamilya nila. Lahat ginawa ni Young Master pero dahil makapangyarihan ang Daddy niya, ayun lumuwas na sila ng China, at pilit paring ipapakasal si Young Master kay Seo Young.😢

“Hindi ko alam na ganun na pala ang nangyayari sa kanya. Sigurado akong nahihirapan siya ng dahil sa’kin.😢

Ate Rowena: ‘Wag mong sabihin yan Chan Mi, wala kang kasalanan sa nangyari, hindi mo kasalanang mahalin si Young Master at hindi kasalanang minahal niyo ang isa’t isa.

Pagkatapos nang pag uusap namin ni Ate Rowena, umuwi na ako agad. Iyak lang ako ng iyak. Wala na si Xing xing, inilayo na siya sa’kin ng Daddy niya, ipapakasal na siya kay Seo Young.

Maya-maya biglang tumawag si Mommy.

Mommy: Anak, kamusta na? Pasensya ka na, nabusy lang si Mommy kaya ngayon lang ako ulit nakatawag.

“Okay lang po yun.”

Mommy: Ba’t parang umiiyak ka? May nangyari ba?

“Si Yixing po kasi, iniwan na niya ako. T_T”

Mommy: Anong ibig mong sabihin?

“Bumalik na po sila sa China, at magpapakasal po siya sa ibang babae. T_T”

Mommy: Eh paano nangyari yun? Diba ikaw ang pinangakoan niya ng kasal?

“Ayaw po sa’kin ng Daddy niya dahil po hindi ako Chinese. T_T”

Mommy: ‘Wag kang mag alala anak dahil kung kayo talaga ang para sa isa’t isa, babalik siya para sa’yo.

Babalik pa nga ba siya? May pag asa pa ba kaya? Pero sa nakikita ko ngayon parang wala na. Wala nang pag asa pang bumalik siya.

(Kinabukasan) Pinapunta ko sa bahay si Hye Shin at kinwento ko sa kanya ang lahat.

Hye Shin: Pero diba sabi niya mahal ka niya?

“Oo at alam kong totoo yun, pero sadyang mas matimbang lang talaga sa kanya ang pamilya niya. Pero sa tingin mo? Babalik pa ba siya? Babalikan niya ba ako? T_T”

Hye Shin: Hindi ko alam Chan Mi, pero kung kayo talaga ang para sa isa’t isa, gagawa ng paraan ang tadhana para magtagpo kayo ulit.

“Hihintayin ko lang siya, umaasa akong babalik siya ulit. At umaasa akong tutuparin niya ang pangako niyang pakakasalan niya ako. T_T”

Hye Shin: Sa tingin ko bes mas mabuti nalang kung sisimulan mo nang mag move on. ‘Wag mong masyadong paasahin ang sarili mo. Diba nga ikaw na ang nagsabi na, ikakasal na sila ni Seo Young, wala na tayong magagawa dun.😞

“Alam ko, pero may tiwala ako kay Yixing na tutuparin niya ang pinangako niya sa’kin. T_T”

Lumipas ang isang buwan, wala parin siya, hindi parin siya bumabalik. Pero kahit ganun, hindi parin ako nawawalan ng pag-asa, suot suot ko parin ang singsing na binigay niya sa’kin sa harap ng altar, dala dala ko parin ang pangako niyang ako lang ang pakakasalan niya.

LAY’S POV

Andito ako ngayon sa China, kahit hindi ko man gusto ito wala akong nagawa, ilang beses na akong nakiusap kay Daddy na hindi ko pakakasalan si Seo Young dahil si Chan Mi ang mahal ko, pero hindi niya ako pinapakinggan.

Daddy: ‘Wag mo na akong suwayin Yixing! Kailangan mo si Seo Young para sa kompanya natin. Siya ang dapat mong pakasalan at hindi si Chan Mi.

“Pero si Chan Mi ang mahal ko, maaaring napilit niyo akong pabalikin dito sa China pero hindi niyo maipipilit sa akin na pakasalan ang babaeng hindi ko naman mahal.”

Mommy: Sun, bakit kasi hindi mo pakinggan ang anak natin, si Chan Mi ang gusto niyang pakasalan at hindi si Seo Young. ‘Wag mo na siyang pilitin sa bagay na ayaw niya, Malaki na siya, he can decide by his own.

Hindi parin nakinig si Daddy, gusto niya talagang ipagpatuloy ‘tong walang kwentang kasalan na ito. Lumipas ang mga araw, laging si Seo Young ang kasama ko. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na kaibigan lang ang turing ko sa kanya at hanggang doon lang yun, dahil simula’t sapul si Chan Mi lang ang babaeng mahal ko.

Seo Young: Bakit hindi nalang ako? T_T

“Hindi ko rin alam kung bakit, mabait ka naman at lahat nasa’yo na, pero sadyang hindi talaga kita kayang mahalin, dahil tanging si Chan Mi lang ang sinisigaw ng puso ko.”

Seo Young: Magmula nong mga bata pa tayo, ginawa ko ang lahat para lang magustuhan mo ako, kahit alam kong si Chan Mi lang naman ang lagi mong bukambibig. Dapat noon ko pa tinigil ang kalokohang ito, nang sa ganun hindi ako nasasaktan ng ganito. T_T

“I’m sorry Seo Young.😞”

What Is Love?Where stories live. Discover now