I
ako
ang daigdigako
ang tulaako
ang daigdig
ang tulaako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdigako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdigII
ako
ang daigdig ng tulaako
ang tula ng daigdigako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tulaako
ang tula
sa daigdigako
ang daigdig
ng tulaako
III
ako
ang damdaming
malayaako
ang larawang
buhayako
ang buhay
na walang hangganako
ang damdamin
ang larawan
ang buhaydamdamin
larawan
buhay
tula
akoIV
ako
ang daigdig
sa tulaako
ang daigdig
ng tulaako
ang daigdigako
ang tuladaigdig
tulaako
BINABASA MO ANG
MGA PANITIKANG FILIPINO
De Todokalipunan ng mga panitikang Filipino. #panitikan #Filipino #Filipino