Si Kesa at Morito ni Luwalhati Bautista

4.7K 2 0
                                    

UNANG bahagi: Monologo ni Morito

Sa pagkakatingin sa buwan habang nag-iisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mgalagas na dahon sa makalabas ng bakod ng kanyang bahay:

Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng buwan. Pero ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig na sumusindak sa akin. Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ay magwawasak sa aking kasalukuyang sarili at gagawin akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipin na lang kapag ang mga kamay na ito'y namula sa dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang magiging tingin ko sa aking sarili kapag nagkaganoon! Ang puso ko'y di mababagbag sa sakit kung papatay ako ng isang kaaway na kinasusuklaman ko,pero ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking hindi ko kinasusuklaman.

Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lang nalaman ang kanyang pangalan,

Wataru Saemonno-jo, mula't sapul pa'y kilala ko na ang kanyang magandang mukha.

Nang matuklasan kong asawa siya ni Kesa, totoong sandali rin akong nag-apoy sa panibugho. Pero ngayon, ang panibugho ko'y napawi na, hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking isip o puso. Kaya para sa aking karibal sa pag-ibig, wala akong pagkamuhi o masamang hangarin. Manapa, mabuti ang isipin ko para sa kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa, kung paano niya pinagsikapan at pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nakadama ako ng simpatiya sa kanya. Naunawaan ko, na sa buong hangarin niya na mapangasawa ito,pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang simple at nakababagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti ang gumuguhit sa aking mga labi sa kabila ng damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pag-uyam; naaantig ako sa pagkamasuyo ng isang

lalaki na ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae. Posible pa rin na ang kanyang masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay nakapagdudulot sa akin ng kasiyahan.

Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon ang aking palagay. Pero ngayong tumitingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong motibo.Ano ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramahan ko ng mga hangaring makalaman kahit noong mga panahong ako'y wala pang bahid-dungis. Kung mapahihitulutan ang eksaheradong pahayag, ang pag-ibig ko sa kanya'y hindi hihigit pa sa isang sentimental na bersyon ng motibong nagtulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay natupad. Bagamat nanatili siya sa isip ko sa sumunod na tatlong taon pagkaraang maputol ang aming ugnayan, hindi ko tiyakang masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod na pakikipag-ugnayan ko sa kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong hindi ko siya nakilala ng lubos. Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa kasalukuyang relasyon, na gumugimbal sa akin, gayunman, alam kong mangyayari. Ngayo'y itinatanong kong muli sa akinsarili, "Mahal ko ba siya talaga?"

Nangmakita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang na kaugnay ng

pagkakayari ng Tulay ng Watanabe, ginawa ko ang lahat ng paraan para Makita siya nang patago. Sa huli'y nagtagumpay ako. Hindi lang ako nagtagumpay na makita siya, kundi inangkin ko pa ang kanyang katawan na gaya ng pinapangarap ko. Sa pagkakataong iyon, ang panghihinayang na di ko siya nakilala nang pisikal ay hindi ang tanging nangingibabaw sa akin. Nang maupo ako sa tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni Koromogawa, napansin ko na malaking bahagi ng aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang na ang aking hangarin ay pinahina ng pangyayaring hindi na ako malinis. Pero ang pinakapangunahing dahilan ay

hindi siya ang inaasahan kong magiging siya. Nang magkakaupo kaming magkaharap, natuklasan ko na hindi siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa nakaraang tatlong taon. Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang kanyang mukha, na makapal na nakukulapulan ng matingkad na pulbos, ay pinaglahuan na ng

MGA PANITIKANG FILIPINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon