"Ang Guryon"
ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparinang guryon mong ito ay pakatimbangin;ang solo't paulo'y sukating magalingnang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;makipaglaban ka, subali't tandaanna ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;kung saka-sakaling di na mapabalik,maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!
BINABASA MO ANG
MGA PANITIKANG FILIPINO
Acakkalipunan ng mga panitikang Filipino. #panitikan #Filipino #Filipino