Chapter 2

2.7K 82 8
                                    

Jhoana POV

  Nakarating na ako dito sa Condo namin ni Ate Ella.Pagbukas ko ng pintoan mukhang natutulog na siya.Kaya umupo muna ako sa sofa.Bakit ganun gulong gulo na ako sa nangyari ngayong araw.Ang daming nangyari kamalasan ngayon.Dagdag mo pa yung mga pinagsasabi ni Beatriz at higit sa lahat para talaga siyang si Bea...


    Sa sobrang sakit ng ulo ko napayuko na lang ako.Di ko napansin na lumabas na pala ng kwarto niya si Ate Ella at nakalapit na sa akin.


"Jho ok ka lang ba???"nag aalalang tanung niya sa akin.




"Pagod lang siguro ate.Ang daming nangyari ngayon araw"




"Mag kwento ka nga.At makikinig ako."kumuha siya ng isang basong tubig at binigay sa akin tumabi na siya sa akin sa sofa.




    Pagkatapos ko uminom ng tubig.Sinimulan ko na ang pag kwento sa mga nangyari.Simula ng makilala ko si Beatriz hanggang sa muntikan na akong marape and sa pagligtas sa akin ni Beatriz sa mga rapis na yun.Pati yung kaweirdohan ni Beatriz and yung pagkakapareho nila ni Bea..




"Ang malas mo naman bess pero mas gusto ko makita yung sinasabi mong kapareho ni Bea.Sasamahan kita bukas sa hospital.Wala naman tayong masyadong gagawin sa office ei.Magpahinga ka na.Tama na yang kakaisip."inalalayan na ako ni Ate Ella sa tapat ng kwarto ko..



Pumasok na kami ng kanya kanya namin na kwarto..Nakahiga lang kami habang nakatingin ako sa kisame..Ilang sandali lang nakaramdam na ako ng antok.




Next Dayyy...............







    Nagising ako sa tunog ng Alarm clock ko.Inayos ko na agad yung higaan ko at kumuha ng damit na susuotin at dumersto na sa Cr para maligo.Ilang minuto ang lumipas at natapos ako sa pag aayos ng sarili..Nang masigurado ko ok na ako lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina.Nakita ko naman nagluluto si Ate Ella.





"Oh gising ka na pala baby Jho.Umupo na jan at malapit na akong matapos dito."





"Morning Ate Ella."naupo lang ako sa upoan na nakaharap sa kanya.





"Anong mukha na naman yan para kang binagsakan ng langit at Lupa."tumingin naman siya sa side ko.



"Baliw ok lang ako.May naiisip lang ako Ate Ells."

My Guardian Angel (JhoBea Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon