Beatriz POV..........
Halos 10 days na ang nakalipas simula ng makilala ko si Jhoana.Panget man yung simula namin pero na ayos naman.Alam kung mabuti siyang tao.Alam ko din di siya ganito kung di nangyari sa taong mahal niya yun...
Nalaman ko na kung anong dahilan kung bakit lagi siyang dumadalaw sa puntid na yun.Yun pla yung taong pinakamamahal niya.Alam kung masakit pero alam ko din na may dahilan si God kung bakit yun nangyari.....
Maaga akong nagising para maghanda ng Breakfast para kay Ate Ella and Kay Jho..Nagluto lng ako ng madadaling lutuin..Habang nag hahanda ako biglang lumapit si Ate Ella.
"Hmmmm parang masarap yan Bei ah???"simula ng tawagin ako ni Jho ng Bei pati si ate Ella nakigaya na din hahaha..
"Oo naman ate with love kasi yan hahaha.Nasan po si Jho???"tanung ko sa kanya.
"Alam mo Bei habang natagal ka dito nawawala pagiging weird mo sana tuloy tuloy na para ka kasing baliw minsan hahaha"tama yun sa sampung araw na yun naging normal na ang pakikitungo ko sa kanila.Tinutupad ko din kay panginoon na di ko pwedeng sabihin na Angel ako.
"Pasensya na ate Dont worry hindi na ako magiging weird hahaha...Pero ate yung tanung ko nasan na si Jho??"nang biglang may kumatok.
"Ako na magbubukas."sabi ni ate Ella.
Nakatingin lang ako sa may pintoan ng biglang may lalaking pumasok.May dala siyang basket na puro prutas ang laman.May dala din siyang Sunflower...
Pagkakita ko sa Sunflower Biglang sumakit ang Ulo ko.May nakita naman akong dalawang babae masaya sila habang may hawak na Sunflower yung isang babae.Natauhan lang ako ng biglang magsalita yung lalaki..
"Ate Ella nasan si Jh0?Sabi kasi niya masama daw pakiramdam niya kaya binisita ko na siya and may paguusapan tau di ba about dun sa branch na bubuksan natin sa Tagaytay??"mukhang katrabaho nila ate Ella.
"Ang Aga mo naman maligaw Nico.May pag uusapan style mo din kahit naka fix na yun hahaha.Sandali lang at tatawagin ko si JhowJhow."nakita ko na pumunta si Ate Ella sa kwarto nila ni Jho.And umupo na lang yung lalaki sa sofa.So manliligaw siya ni Jho.Di ko mapigilan pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ako.Ano ba to???
Maya maya lumabas na si Jho matamlay siya mukha nga may sakit.Lalapitan ko na sana siya pero biglang tumayo yung Nico at inalalayan siya.Kaya ako tumingin na lang ako sa kanilang dalawa.Nangbiglang mag salita yung Nico..
"Pwede bang kuhanan mo ako ng tubig."agad ko naman siyang kinuha.
Papalapit na ako sa kanila naririnig ko din yung mga pinag uusapan nila may balak ata silang mag bakasyon.Habang nakikinig di ko namalayan na natapon na pala yung tubig sa harap ni Nico at Nabasa yung damit niya (guys imagine na lng ninyo hahaha peace)..
"Ano ba Tanga ka ba o sadyang tanga tanga ka lang.Nakita mo ba to basa na ako.Jho ano bang klaseng maid to.Tsk tanga tanga.."sigaw niya sa akin.Kaya napayuko na lang ako..
"Hoy Nico di ka naman masyadong mayabang sa lagay na yan ahhh!Di namin katulong si Beatriz kaibigan namin siya."sigaw din ni Ate Ella.
Habang nag sisigawan sila Ate Ella and Nico nakita ko si Jho na parang naiinis na.
"Can you two shut up!!!Pwede ba masakit na yung ulo ko mag sisigawan pa kayo jan.Ikaw naman sabay turo sa akin bakit ba di ka tumitingin.Tingnan mo yung nangyari tanga tanga ka kasi!!!And ikaw naman Nico di mo naman ako kaylangan dalawin.Sinabi ko na sayo diba di ako nag papaligaw.Ate Ella ikaw na bahala sa kanila."sabay tayo ni Jho and pasok sa kwarto nila...
Sa sobrang inis ni Nico tumayo na siya at binangga ako.Habang nililinis ko na yung kalat.Biglang nagsalita si Ate Ella.
"Nagseselos ka no???Hahaha akala ko ba friend na kayo bakit ang sungit na naman niya."pang aasar niya sa akin..
Nagseselos ba ako???Bakit naman ako makakaramdam ng ganun???Yun ba yung parang sumisikip yung pakiramdam ko???Bakit galit na naman siya sa akin???Ano naman nagawa ko....hayyyyyyssssss
Di na lumabas si Jho simula kanina pang umaga si Ate Ella naman umalis may pupuntahan daw siya.Di ko maiwasan di mag alala kay Jho di pa siya kumakain simula kaninang umaga..
Naisipan kung lumabas para bumili ng oag kain para sa kanya...Pagkabili ko ng Pagkain May nakita ako nag Bebenta ng Sunflower..
"Hi ate Bili ka na po ohh mura lang po to."sabi ng batang babae.
"Sige bibilhin ko na lahat..Para makauwi ka na din maggagabi na."pagkabigay ko ng pera umalis na siya..
Pagpasok ko ng bahay wala pa ding ilaw.Binuksan ko na ang ilaw at dumeretso ako sa kwarto ni Jho.
"Jho???Gising ka ba??Halika may pagkain akong dala o kain ka muna"pag bukas ko nakita ko lang siyang nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama at Umiiyak
"Bakit ka umiiyak???"tanung ko sa kanya.
"Akala ko umalis ka na iniwan mo din ako.Nagising ako wala kau ni ate Ella.Akala ko iniwan mo na ako kasi sa mga sinabi ko sau kanina."bigla na lang siya yumakap sa akin
"Wag ka ng umiyak bumili lang ako ng pag kain para sau di ka pa kasi kumakain eh.And Look o Sunflower hahaha di ko alam kung gusto mo yan.Wag ka ng umiiyak di kita iiwan Promise yan Beh..."bigla siyang nagulat sa sinabi ko...
--------------------------
Sorry sa sobrang tagal sa Update and sorry kay Nico kung bad guy siya dito ahhh sorry po para lang gumanda yung Story..Thank You
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel (JhoBea Story)
RandomNaniniwala ba kayo sa mga Guardian Angel??Sila daw yung nagbabantay sa atin araw araw.Sila yung gumagabay sa atin.Sila yung nagliligtas sa atin tuwing may panganib..Pero paano kung yung kinikilala mong Guardian Angel ay yung dati mong mahal na bigla...