Chapter 3

67 1 0
                                    


MIYA POV

Ramiya Delafuente po! Hehe.

"Tara na." 'Aya ko kay Krish para makaalis na ng bahay.

"Saglit lang."

"Bilis!"

"Ito na ito na! Nagmamadali!"

Pagbaba niya ng hagdan natawa naman ako sa itsura niya.

"Nagsuklay ka ba?"

Tumingin naman siya sa salamin.

"Ay pakshet!" Kinuha niya ang sukalay niya at nagsuklay sa harap ng salamin. "Letse ka kasi e! Madaling madali!"

Tinawanan ko naman siya.

"Ulul! Hindi ko sinabing magmadali ka! Ang sabi ko lang tara na.." Natatawang sagot ko sa kanya.

Binaba niya na ang suklay at hinarap ako.

"Ganun din yun ugok! Tara na!" At nauna pa siyang lumabas ng bahay. Hahahaha!

SCHOOL.

Papasok na sana kami ng gate nang may narinig kaming boses sa parking lot ng school na 'to.

Wag kang ano! Kahit public school 'to may parking lot kahit papano! Kala neto!

"Bitawan niyo nga ako! Inaano ko ba kayo!" Boses ng isang lalake.

"Krish, tara na. Natatak---" Bigla naman akong hinila ni Krisha sa gilid at nagtago.

Letse ka talaga! Lahat na lang ng away pinapasukan mo na! Peste!

"Umalis na tayo dito Krish.." Natatakot kong bulong sa kanya.

"Sshh.."

Tumahimik na lang ako dahil wala naman akong magagawa sa katigasan ng ulo nito!

"Layuan mo ang babaeng palagi mong dinidikitan! Kung gusto mo pa maka-graduate!"

"E girlfriend ko yun e! Bakit ko lalayuan! Gago ka ba?! Bitawan niyo nga 'ko!"

"Matigas boss! Nagmamatigas pa!"

Palihim kaming sumilip ni Krish, at nakita namin si Edward na hawak ng dalawang lalake habang nasa harap niya pa ang isang Lalake. Sinapak naman siya ng nasa harap niya.

"Huwag niyo lang talagang hintayin na makawala dito! Dahil pagsisi---"

Sinapak nanaman siya nang nasa harap niya dahilan ng 'di niya matapos ang sasabihin niya.

Tsk! Ang yabang pa kasi e!

"'Wag kang magmayabang Edward, dahil hindi mo kilala 'tong nasa harap mo! Kaya kung ayaw mong matuluyan, hiwalayan mo si Selena! Dahil kung hin---"

"Papatayin niyo 'ko?! Akala niyo ba masisindak niyo 'ko?!" Gigil na gigil na sigaw ni Edward sa kausap niya habang nagpupumiglas. "Hoy! Hindi niyo 'ko matatakot dahil hindi naman ako natatakot sa inyo!!"

"Aba talagang---!"

"Hoy!!"

Nagulat naman ako nang biglang sumigaw 'tong si Krish at nagpakita pa sa kanila.

Patay na! Letse!

"Tara na Krish.. Ayokong madamay pa tayo dito.." Bulong ko sa kanya habang hinihigit siya kahit hindi ko naman mahigit.

"Sino ka naman?!" Tanong ng Lalakeng kausap kanina ni Edward kay Krisha.

"Ah-- ehh-- wala po Kuya.. A--ano kasi.. Hindi niya po sinasadyang sumigaw.. Tara na Krish.." Sambit ko pero hindi pa rin nagpatinag ang Loka!

She's My First LoveWhere stories live. Discover now