KRATUS POVKratus Drex Fernandez po!
"Ano nanaman ba ha?!" Bungad agad sa'kin ni Miya nang makapasok ako sa room nila na silang tatlo pa lang ang tao.
"Nagsusungit ka nanaman may Labs, lalo ka tuloy gumaganda."
"Sasapokin kita tignan mo!!" Umamba pa siya na parang mananapak nga.
"Easy hehe. Oh? Mukang badtrip si Wierd ah?"
"Sinong weird ha?! Sino?!" Inis na tanong ni Miya sa'kin.
"Si Krisha. Sino ba weird sa school na 'to??"
Galit namang tumayo si Miya para harapin ako.
"Hindi nakakatuwa. Bestfriend ko yan! Kaya kung ayaw mong ma-flying kick lumayas ka na lang sa harapan namin!! Atsaka, anong weird diyan?! Ha?! E grabe nga makipag basag-ulo tapos weird?!"
"E bakit nagagalit ka?!" Sigaw ko rin sa kanya.
"E kasi hindi ka nakakatuwa! Atsaka yung pagtawag tawag mo sa'kin ng my labs, puwede ba ha?! Puwede ba?! Itigil mo na!! Dahil nakakasuka!!"
"Woooooow!! Nahiya naman ako sa'yo miss Dela Fuente!! Ang ganda mo e!! Ang ganda ganda mo!!" Sarkastikong sagot ko.
"Talaga!!" Sigaw niya.
"Tsh!"
Pasalamat ka gusto kita! Kung hindi warning ka na sa'kin at ikaw na ang susunod na trip ko!
"Hoy! Kayong dalawa diyan! Baka mapanisan kayo ng laway! Puwedeng magsalita!" Sambit ko kay Krisha at Tristan.
"Anong sasabihin namin?" Inosenteng tanong pa ni Tristan.
"Ulul ka ulul!!"
"Ulul ka din! Ano bang ginagawa mo dito ha?!"
"Wowww! Masama na ba na nandito ako kasi nakita kita na kaibigan ko ha?! Masama na?! Konyatan kita diyan e!" Inambaan ko pa siya. "Oh? Ikaw Kri-sha?? Bakit mukang badtrip ka??" Tanong ko sa kanya.
"Kailangan mo pa bang malaman?" Walang kagana-gana niyang sagot.
"Oo! Kasi tinatanong ko!" Inis na sagot ko.
"Ts! Stupid!" Bulong niya.
"What did you say?!" Inis na tanong ko.
"Ts! Stupid!" Ulit niya pa. Lakas!
"Hahaha! Ano?! Akala mo makakapalag ka sa sagutan sa dalawang 'to?! Naku naku Pre! Kailangan marami kang baon na pangbara din kapag kinausap mo ang mga 'to!" Natatawa pang suggest niya.
"Pakyu! Magbaon ka mag-isa mo!" Bumaling naman ako kay Miya. "So.." Kinuha ko yung isang upuan at umupo ako sa harapan niya. "Puwede ba kitang makilala pa ng lubos?" Nginitian ko siya at kinindatan pa.
"Sige."
"Talaga??"
"Oo naman. At dapat mong malaman na ayoko sa taong may pangalan na KRATUS!!" Sigaw niya sa harap ng mukha ko. "At puwede ba?! Huling pakiusap! Tigilan mo yang mga kabaduyan mo! Pag-aaral ang inaatupad sa paaralang ito hindi puro panliligaw!!"
"Pa-hard to get ka rin e 'no?!" Inis na sambit ko.
"Anong pa-hard to get pa-hard to get ang sinasabi mo diyan?! Walang ganun! Dahil ayoko naman na talaga sa'yo una pa lang! Psh! Umalis ka nga diyan!" Sigaw nanaman niya sa harap ko.
Tumayo naman ako at.. "Susuko ka na?" Si Tristan.
"A-Anong susuko?!" Salubong ang kilay ko nang itanong ko yun.
YOU ARE READING
She's My First Love
Genç Kurgu"Liligawan nga kasi kita!" -Edward "Ayoko!" -Krisha "Bakit?!" -Edward "Dahil sinabi mo sa'kin na ako ang First Love mo! E ano naman si Selena non?!" -Krisha "Kaya ko sinabing ikaw ang First Love ko dahil lahat ng nararamdaman at nararanasan ko sa'yo...