KRISHA POV"Um Mom, this is Krisha Blake Alejandro. Classmate ko, tutulungan niya ako sa report ko." Pakilala sa akin ni Tristan sa Mama niya.
"Alejandro??" Takang tanong ng Mama niya atsaka siya tumingin sa akin na parang pinagaaralan, nailang naman ako bigla.
"Ahmm.. Yes Mom.. W-why?"
"Ka-Last name niya kasi ang Boss ng Daddy mo e."
Bigla naman akong kinabahan!
Sana hindi na nila pansinin..
"Panong ka-last name Ma? E Villacastin ang Last Name ni Sir."
"Hindi mo ba alam? Ginagamit nila ang Villacastin para sa trabaho lang. At para walang makakilala sa kanila. Pero Alejandro talaga sila." Paliwanag ng Mama niya sa kanya atsaka tumingin ulit sa akin.
"Ahh. So yung Anak din nila na si Jayvee, nag-iba lang din ng Last Name?"
Lalo akong kinabahan nang mabanggit niya si Jayvee.
"Oo. Maiingat lang talaga sila."
"Okay.."
Tinignan ko naman si Tristan na parang napapaisip. Napansin ko pa na tumingin siya sa'kin at parang nagiisip. Umakto pa rin ako na parang walang pakialam.
"It's Geometry? Right?" Biglang tanong ni Tita Giselle.
"Opo."
"Natutuwa ako sayo na pilit mo talagang sinusubukan maging aktibo sa Math." Sabay ngiti niya sa anak niya. Atsaka binaling ang paningin sa akin. "Hi hija, ako nga pala si Giselle." Nag-shake hands naman kaming dalawa.
"K-Krisha po. Krisha Blake Alejandro. Magandang hapon po." Bati ko rin sa kanya at ngumit.
"You know hija? You're beautiful." At binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti. "Come inside."
Linoloko 'ata ako neto e! Hahaha! Beautiful?? Dapat COOL! Char! Haha. Sumunod na lang ako kay Tita Giselle.
Hinigit naman ako ng Mama niya kaya sumama na lang din ako, naramdaman ko naman na sumunod na rin si Tristan sa likod namin.
"Anong gusto mong meryenda Krish?" Tanong ng Mama niya.
Ang ganda ng Mama niya. Napakabait pa.
"H..huwag na ho, nakakahiya ho. Hehe." Pilit akong ngumiti at tumawa dahil sa nahihiya ako.
"Huwag ka ng mahiya Krish, mabait yan si Mama. Gusto niya lang talaga ipatikim sa'yo ang gagawin niyang meryenda." Singit ni Tristan. "Wait lang ha? Magpapalit lang ako ng damit." Umalis na siya at umakyat na sa itaas.
"Ano? Payag ka na?"
"S..sige po hehe.."
"Halika, samahan mo ako dito sa kitchen." Sumunod naman ako sa kanya. "Ipapakita ko sa'yo kung paano gumawa ng Brownies."
30 minutes na kami nandito sa kusina at matatapos na daw siya sa brownies na ginagawa niya.
Ang dami naman niya kasing ginawa.
"Hindi niyo po ba talaga kailangan ng tulong?"
"Haha. Ayos lang Krish, kaya ko na ito. Nga pala, okay naman ba ang pag-aaral ng Anak ko?"
Makatanong! Parang tutor lang ako ganun?! Pss.
"Ayos naman po." Tumingin naman siya sa akin na parang naghihintay pa ng ibang sagot. "Matalino po ang anak niyo at masipag pa. Sa Math lang po talaga siya nahihirapan." Paliwanag ko.
YOU ARE READING
She's My First Love
Roman pour Adolescents"Liligawan nga kasi kita!" -Edward "Ayoko!" -Krisha "Bakit?!" -Edward "Dahil sinabi mo sa'kin na ako ang First Love mo! E ano naman si Selena non?!" -Krisha "Kaya ko sinabing ikaw ang First Love ko dahil lahat ng nararamdaman at nararanasan ko sa'yo...