MIYA POV"I miss you Ram.."
Kuya?!!
"A-Anong ginagawa mo dito?!" Inis na tanong ko kay Kuya Red.
"Binibisita ka??" Sarkastikong sagot niya.
"Umuwi ka na kina nanay!!"
"Nagpaalam ako! Okay?! Pumayag siya na mag-stay ako dito para mabantayan na rin daw kita."
"Pero ayokong nandito ka Kuya!!" Sigaw ko sa kanya.
"Wow ah?! Ayaw mo akong nandito pero Kinuya mo pa 'ko?! Psh! Umayos ka sapok ka sa'kin tignan mo!!" Inambaan niya pa ako at ako naman 'to bahagyang umilag. Dumiretso pasok naman siya at naupo sa sala. Napapikit pa 'ko bago isara ang pinto. "Where's my Labidabi??" Tanong niya.
"Wala na!! Kauuwi niya lang kanina sa kanila! At duon na ulit siya titira."
"Ano?!!!" Sigaw niya at napatayo pa siya. "Anakanang!!"
"Kaya nga umuwi ka na! Wala na dito ang labidabi mo!"
"Hep hep hep!! Makikita ko pa rin naman siya." Umupo ulit siya sa sofa.
"At papaano?! Aber?! Ni hindi mo nga alam kung saan sila nakatira."
"Hahahahaha! Hindi nga.. Pero!! Alam ko naman kung saan kayo nag-aaral.. At nagpatransfer na ako agad duon! Edi fix!!"
"What do you mean?!"
"Pumayag din sina Nanay at Tatay na magpalipat ako ng paaralan. At duon ko naisipan sa Villacastin Highschool!" Sabay kindat niya pa sa'kin.
"Ano??!!!!!" Ramdam ko ang pagsalubong ng mga kilay ko.
"Hay nako Ram! Papasok na'ko sa kwarto ko." Akmang maglalakad na siya nang pigilan ko siya.
"Teka sandali nga!!" Tumingin naman siya sa'kin. "At san ka naman matutulog ha?!"
"Sa guest room! Ayoko sa taas baka bumalik si labidabi ko! Sige na! Ipasok mo na yang mga bag ko!"
"A-Anong b-bag---"
BLAGGGGGG!!!
Balibag niyang isinara ang pinto. Agad naman akong tumingin sa main door ng bahay at nakita ko ang tatlong malaking bag sa lapag. Bwiseeeeeet!!!!
Binuhat ko isa-isa yun at linagay sa tapat ng pinto ng kwarto ni Kuya. Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga na rin muna. Pabagsak ko namang inihiga ang katawan ko.
Naiinis ako dahil nandito si Kuya Red. Paniguradong magiging alipin nanaman ako neto!! Tsk!! Pero ayos lang, takot naman kay Krisha yun e bwahahahahahaha!
Hindi ko makalimutan ang sinabi niya kanina na nagpalipat siya ng school!! At sa Villacastin pa?!! Ayokong nakikita ko si Kuya dahil bawat galaw at asta niya panigurdong may dalang panganib at maraming mayayabangan sa kanya! At ayokong may makaharap siya!! Hindi dahil sa ayokong masugatan o matakot si Kuya, kung 'di dahil sa makakabangga niya!! Payatot man o malaki ang katawan kaya niyang patumbahin!! Tsk! Diyan sila nagkakasundo ni Krish!!
Kamusta na kaya si Krish duon? At bakit ba kasi siya nandun sa bahay nila Tristan?!
Bakit hindi niya sinabi sa'kin na pupunta siya don?! Akala ko ba ayaw niya maging kaibigan ang lalake na 'yon?! Tsh!
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Krish na agad naman niyang sinagot!
"Hoy! Babae?! Nasaan ka?!"
"Ts! Alam mong nandito ako kina Tristan."
"O-Oo nga!" Napapahiyang sagot ko.
"Oh e ba't tinatanong mo pa?" Hindi naman sarkastiko ang boses niya pero bakit parang naasar ako? Tsk!

YOU ARE READING
She's My First Love
Teen Fiction"Liligawan nga kasi kita!" -Edward "Ayoko!" -Krisha "Bakit?!" -Edward "Dahil sinabi mo sa'kin na ako ang First Love mo! E ano naman si Selena non?!" -Krisha "Kaya ko sinabing ikaw ang First Love ko dahil lahat ng nararamdaman at nararanasan ko sa'yo...