MIYA POV"Miya!!" Nilingon ko naman ang boses ni Krish. "Ay! Kumain kana!" Nag-pout pa siya na parang nagtatampo nang makita ang pagkain na hawak ko.
"Libre sa'kin 'to ni Tristan. Ang tagal mo naman!"
"Yung mommy kasi ni Edward ayaw pa akong paalisin e."
"Bakit daw??"
"Tss. Tara samahan mo na lang ako sa canteen." At naglakad na siya.
"Hoy! Hintayin mo'ko!" Hinabol ko siya at sumabay ako ng paglalakad sa kanya. "Ano ngang nangyari ha? Mabait ba sila? Ha?!"
"Oo. Tara." Nang makapasok na kami ng canteen sinalubong naman kami ni Tristan at Kratus!!
"Hi Labs! Miss mo'ko agad 'no?" Sabay kindat ni Kratus.
"Yuckk!! Nandito kami para kumain 'tong kaibigan ko! Tabe!"
"Wait, Krish?" Nilingon naman namin ang boses ni Tristan.
"Oh?" Tipid na sagot.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tristan kay Krish.
"Oo." At tinalikuran na siya ni Krisha para umorder sa harap. "Duon tayo." Turo niya sa vacant table. "Mauna ka na dun, oorder lang ako."
"Sige." Umupo na ako sa tinuro niyang puwesto.
"Hi Miya."
Jayvee??
"B-Bakit?" Pilit na ngiti ko sa kanya habang palihim na sinulyapan si Krish.
"Napansin mo ba si Krish?" Tanong niya.
Kapag tinuro ko si Krish, lagot ako sa babae'ng yun! Pero labag naman sa kalooban ko ang magsinungaling sa kapatid niya!
Ituturo ko ba o hindi??
Ituturo ko ba o hindi??
Ituturo ko ba o hindi??
Ituturo ko ba o hindi??
Aisssshhhhhhhhhhhhhhh!!!!
"Miya?"
"O-Oh?" Pilit na ngiti ko.
"Napansin mo ba kako si Krisha?" Ulit niya sa tinatanong niya kanina.
"Ah.. Hin---"
"Anong ginagawa mo dito??" Sabay naman kaming napalingon kay Krisha habang hawak niya ang tray na inorder niya.
"Krish.. Puwede ba tayong mag-usap ng maayos." Malumanay na sabi ni Jayvee.
"Nag-uusap na tayo." Salubong ang kilay ni Krish.
"I mean tayong dalawa lang sana."
Tumingin naman silang dalawa sa'kin, maya-maya sinenyasan ako ni Krisha na umalis muna para makapag-usap sila.
Kailangan kapag nag-usap palayasin ako?! Psh! Alam ko naman ang storya ng buhay nila! Arte niyo!!
Naglakad ako palabas ng canteen at dumiretso ako ng Library.
Umupo ako sa dulo at inilabas ko ang libro ko para basahin ito.
"Gagu! Hindi nga ganyan!" Mahinang boses ng babae sa gilid ko pero rinig ko pa rin naman.
"Ganyan nga yan! Tignan mo tama ako diyan mamaya." Sagot naman ng Lalake dun sa babae.
"Ehem.." Kunwaring ubo ko.
"Kapag ikaw mali mamaya, papalunok ko sayo yang papel na yan!"
Anakanang!!
"Excuse me?" Liningon naman nila akong dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/111888923-288-k867591.jpg)
YOU ARE READING
She's My First Love
Teen Fiction"Liligawan nga kasi kita!" -Edward "Ayoko!" -Krisha "Bakit?!" -Edward "Dahil sinabi mo sa'kin na ako ang First Love mo! E ano naman si Selena non?!" -Krisha "Kaya ko sinabing ikaw ang First Love ko dahil lahat ng nararamdaman at nararanasan ko sa'yo...