Chapter 7

30 0 0
                                    


KRISHA POV

Lumabas ako ng bahay at mabilis akong tumakbo kung saan man ako dahil ng mga paa ko. Sinasalubong ko ang lamig ng hangin. At dahil magdidilim na rin naman hindi ko na maitago ang mga luha sa mata ko na unti-unti nanamang naglalabasan.

Tsk! Letseng buhay na 'to.. Hindi man lang ako pinagbigyan sa kagustuhan ko na magkaroon ng pamilya sa buhay ko! Meron nga, unti-unti namang nawawala!..

Tumakbo pa ako ng tumakbo hindi ko maramdaman ang pagod at hingal sa katawan ko dahil sa namamanhid ang katawan ko at ang dahilan nun ay ang kalungkutan ko..

Sa pagtakbo ko biglang bumuhos ang ulan kaya kusang huminto ang katawan ko sa pagkilos, wala akong pakialam kung muka akong tanga sa daanan na 'to.. Basta gusto ko lang sundin ang daloy ng katawan ko..

Dahan-dahan naman ulit akong naglakad at mag-isang binabaybay ang daan habang umulan ng malakas. Tumingala ako ng kaunti sa kaulapan at pa-pikit-pikit ko yun tinignan.

Nice.. Salamat.. Ramdam ko ang pakikidamay mo sa kalagayan ko ngayon..

Yumuko ako at napaisip..

Tss.. Stupid me! Pati ulan kinakausap!

"Mom! Ayun na si Dad! Let's go!!"

Nilingon ko ang bata habang kasama ang Nanay niya palapit sa kotse. At bumaba naman duon ang isang lalake at pinagbuksan sila ng pinto.

"Sorry baby.. Nasiraan kasi ako sa daan e! Bilis bilis pasok! Baka magkasakit pa kayong dalawa." Nang makapasok sila pumasok na rin ang Lalake at umandar na ito.

Sana lahat ng Ama kagaya mo..

Tumawid naman ako ng wala pa ring pakialam sa paligid ko. At biglang..

BEEEEEEEEEEEEEPPPPP!!!!!

Agad naman akong napalingon sa kaliwa ko at bumungad naman sa akin ang liwanag ng ilaw sa harap ng kotse habang mabilis na umaandar papunta--

Napatakip na lang ako sa mukha ko at kusang bumagsak ang katawan ko sa takot.

Kahit malakas ang ulan rinig ko ang pagbukas ng kotse.

"Miss?! Magpapakamatay ka ba?! Tumawid ka na berde pa ang ilaw!!" Dahan-dahan ko namang liningon yung stop light at nakita ko nga ang green na ilaw. Mabuti na lang sa tabi pa ng daanan ng mga naglalakad ang kotse na muntik na akong masagasaan.

Tumayo ako ng dahan-dahan at yumuko sa harap niya. "Sorry.." Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Dahan-dahan ko siyang liningon at parehas naman kaming nagulat sa isa't-isa.

Si EDWARD..

"K-Krisha??"

"Oo.. Ako nga.. Sorry.. Pasensya na.." Aalis na sana ulit ako ngunit hinila niya ako sa harap ng pinto ng kotse niya. "B-Bakit??"

"Nababaliw ka na ba talaga?!" Halatang inis na tanong niya. "Ano ba ang nangyayari sa'yo?!" Seryoso munit inis pa rin na tanong niya. Hindi pa rin ako nagsasalita.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya sa harap at tinignan ako.

"Pasok!" Utos niya. Hindi pa rin ako kumikibo. "Papasok ka ba o magpapaulan ka na lang diyan?!" Galit na sambit niya pa.

Tumingin pa ako sa mukha niya at sa kabuuan niya at basang-basa na rin siya. Atsaka tumingin ulit sa mga mata niya.

"A-Ano pa bang tinitingin-tingin mo diyan?!" Ilang na tanong niya.

"Salamat.." Naiusal ko na lang at tuluyan na akong nanghina at napapikit na lang bigla ramdam ko pa ang pagbagsak ng katawan ko at agad naman niya akong nasalo.

She's My First LoveWhere stories live. Discover now