Chapter 9

80 1 0
                                    


TRISTAN POV

Good morning!!!!

Antok pa ko'ng bumangon sa pagkakahiga ko at dumiretso ako ng banyo para maligo, nang matapos kong maligo bumaba na'ko para mag-almusal.

Si K-Krisha!!

Agad akong pumanik ulit para puntahan ang kwarto niya. Kumatok ako ngunit walang nagsasalita kaya kusa ko ng binuksan ang pinto at...

WALANG TAO!!

Nasaan na yung Babae na yun?!

Pinasok ko pa ang loob at wala akong nakita na kahit anong bakas niya, napansin ko rin na maayos at malinis na ulit ang loob. Umuwi na kaya siya?

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba na para mag-almusal. Naabutan ko naman duon si Kuya na kumakain, at nakauniform na rin.

"Good morning." Bati ko.

"Morning." Sagot niya.

Umupo ako sa tapat na upuan niya at nagsimula ng kumain.

"Umuwi na si Krisha."

Ang seryoso naman ng mukha nito!!

"Ah,, oo nakita ko nga.."

"Nakita mo?" Tumingin naman ako sa kanya na nakatingin na rin pala sa'kin.

"Hindi, sinilip ko kasi ang kwarto niya.." Tumango na lang siya at bumalik sa kinakain niya. "K-Kamusta na pala kayo ni Sele---"

"Kumain ka na lang." Seryosong sagot niya agad.

"Oh? Kumakain na pala ang mga alaga ko e." Sabay sulpot ni Nanay sa gilid ko.

"Good morning po Nay!" Tumayo ako para halikan siya sa noo.

"Morning hijo. Kamusta na pala ang pag-aaral niyo?" Tanong niya sa'min ni Kuya.

"Sumabay ka na ho muna sa'min Nay." Alok ni Kuya kay Nanay.

"Nako! Hindi na, nag-agahan na ako kanina at kasabay ko ang Manang niyo. Oh kamusta nga ang pag-aaral?"

"Ayos naman po Nay, sa Math medyo nag-iimprove na'ko, i think haha."

"Mabuti kung ganun, e ikaw Edward?"

"Bumabagsak ako sa History.." Agad kong liningon siya at patuloy naman siya sa pagkain niya. "Ts!" Binaba niya ang spoon and fork niya at uminom ng tubig. "Mauna na ho ako.." Kinuha ang susi ng kotse niya sa gilid ng mesa niya at tuluyan na itong lumabas.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kay Kuya.. Matagal na siyang nahihirapan sa History.. Nagbabasa naman siya pero madali niya daw makalimutan kapag nandiyan na ang graded recitation. Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot para sa kanya.

Tumayo ako at kinuha ko rin ang susi ng kotse ko.

"Oh? Aalis ka na rin?" Si Nanay.

"Opo Nay. Salamat po sa masarap na agahan."

"O siya sige.."

Maglalakad na sana ako palabas nang magsalita ulit si Nanay.

"Ay hijo!"

"Nanay?" Para namang balisa siya nang lingunin ko ulit siya. "Nay?" Tawag ko ulit.

"O-Oh?"

"Ayos ka lang po ba?"

"Oo. Gusto ko lang ibalita sa'yo at dapat kay Edward din kaso mukang wala siya sa mood kaya sayo na lang."

"Ano ho ba yun Nay?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's My First LoveWhere stories live. Discover now