ZERINA POV
Kung dati ay hindi ko maintindihan ang asawa ko kung bakit ganun ang pakikitungo niya kay Blake, ngayon mas lalong hindi ko siya maintindihan. Kinausap niya si Jayvee para bumalik na dito sa bahay si Blake, at aaminin ko naiinis ako sa asawa ko, dahil alam ko'ng hindi magugustuhan ni Blake ang choices na binigay sa kanya ni Clyde!!
Ang hirap pumagitna sa dalawang tao na mahalaga sa'yo..
Lumabas ako ng kwarto ko at bumungad naman sa sala si Clyde at Jayvee.
"Dad! Please! Kung ikaw lang ang kumausap sa kanya kanina, makikita mo ang galit na kusang lumalabas sa katawan niya!!"
"Huwag ka ng makulit Jayvee. Napag-usapan na natin 'to ng Mommy mo. Yun lang ang alam kong paraan para bumalik siya dito sa pamamahay ko." Malumanay na sagot ni Clyde kay Jayvee.
Nang matahimik na sila nagsalita na ako. "Hi."
"Mom." Lumapit naman si Jayvve at hinalikan ako sa pisngi. "Kauuwi ko lang po."
"I see.." Bumaling naman ako kay Clyde. "Hmm? Puwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko kay Clyde.
"About what?" Malumanay na tanong niya. Tinignan ko naman si Jayvee at nakuha niya naman agad iyon.
"Sige po Mom, Dad. Akyat na po muna ako, marami pa po akong gagawin." At umalis na nga siya para umakyat sa kwarto niya.
Naupo si Clyde sa sofa kaya umupo naman ako sa katapat niyang sofa para magkaharap kami. "Are you happy?" Malumanay na tanong ko.
"Happy?? What do you mean?" Natatawa pang bahagya na tanong niya. Nang mapansin niyang seryoso ako inayos niya ang sarili niya. "Look,, alam ko na kung saan mapupunta 'tong usapan natin. At napag-usapan na natin 'to---"
"At alam mo rin kung anong mararamdaman ko." Malumanay at seryoso pa ring sagot ko. Hindi naman siya nagsalita kaya ako na ulit ang bumasag sa katahimikan niya. "Naiipit si Jayvee.." Sambit ko at yumuko ako ng bahagya at tumingin sa lapag. "Mahal niya ang kapatid niya kaya ayaw niyang magalit si Blake sa kanya.." Hindi pa rin siya sumasagot. "Kung ako man ang tatanungin.. Tama lang na makaramdam kami ng kaunting inis sa'yo.."
"What?! Ha!" Tumingin ako sa kanya. "Ako na 'tong gumagawa ng paraan para bumalik yang Anak mo! Tapos kayo pa 'tong naiinis sa'kin?! What the-- aissh! Ang gulo niyo!"
"Anak 'natin'.."
"Ha! Haha!" Kunwaring tawa niya. "Anak mo lang! Anak mo lang.. You know what?? Dapat ako pa nga 'tong mainis sayo e! Nag-ampon ka nang hindi ko alam! At malalaman ko na lang nung naasikaso na lahat at nandito na siya sa pamamahay ko!"
"Don't say that!!" Napatayo pa ako dahil sa galit nang marinig ko yun mula sa bibig niya!! "Anak natin siya!!"
"How many times do i have to tell you?!" Tumayo na rin siya. "Na hin-di ko nga siya anak!! Hindi natin siya anak!! Wala akong anak---"
SINAMPAL KO SIYA!
"Hindi kita maintindihan.. Nung una ayos lang, ayos lang na nandito si Blake sa bahay, ayos lang na inampon ko si Blake. Ayos lang na maging part siya ng family natin.. Pero ngayon?? Ano na?? Nalaman lang nung bata na ampon siya tsaka ka magkakaganyan!! Sabihin mo nga sa'kin,, sabihin mo sa'kin! Tanggap mo ba talagang maging Anak si Bl---"
"HINDI!!!" Sigaw niya sa harap ng mukha ko. "Kahit minsan hindi ko yan tinanggap!! Hindi ko matanggap!! Na may sampid sa pamilya'ng 'to!!"
"How dar---"
"T-Tsh.." Sabay kaming lumingon sa may pintuan at laking gulat ko dahilan na bumilis pa ang tibok ng puso ko nang makita ko si BLAKE na nakatayo habang hindi matigil ang pagdaloy ng luha niya sa mga mata nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/111888923-288-k867591.jpg)
YOU ARE READING
She's My First Love
Teen Fiction"Liligawan nga kasi kita!" -Edward "Ayoko!" -Krisha "Bakit?!" -Edward "Dahil sinabi mo sa'kin na ako ang First Love mo! E ano naman si Selena non?!" -Krisha "Kaya ko sinabing ikaw ang First Love ko dahil lahat ng nararamdaman at nararanasan ko sa'yo...